^

Pang Movies

Vhong tikom ang bibig sa pagkakahuli ng isa pang nambugbog sa kanya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kung hindi pa nahuli ng mga pulis si Ferdinand Guerrero, hindi siya susuko.

The who si Ferdinand Guerrero? Siya ang tukayo ni Vhong Navarro na suspect sa pambubugbog sa TV host/comedian noong January 22, 2014.

Itinanggi ni Guerrero na kasali ito sa pang-uumbag kay Vhong pero nagtago pa rin siya sa batas.

Sinubukan ni Guerrero na ma­ngibang-bansa noong kainitan ng imbestigasyon sa kaso. Hindi natuloy ang pag-alis ni Guerrero dahil sa look out bulletin na inilabas ng Bureau of Immigration and Deportation noong April 2014.

Inisip ng lahat na nakaalis ng bansa si Guerrero pero nandito lamang siya sa Pilipinas at nagtatago sa isang condominium unit sa Makati City. Gumamit din siya ng alias na Maverick.

May panawagan si Guerrero kay Vhong na hu­mingi ito ng sorry kay Deniece Cornejo. Kung kilala natin si Vhong at sa layo na ng itinatakbo ng kaso, hinding-hindi siya hihingi ng paumanhin kay Deniece.

Isa-isa nang nahuhuli ang mga suspect sa pana­nakit kay Vhong.

Hinahanap pa rin ng mga pulis si Jed Fernandez na nagparamdam noon na gustong maging state witness sa kaso ni Vhong.

Nakipag-ugnayan noon si Jed at ang kampo nito kay Papa Tony Calvento. Willing si Papa Tony na tulungan si Fernandez pero nag-back out ito.

Hindi na nagbigay ng komento ang kampo ni Vhong tungkol sa mga pahayag ni Guerrero.

May katwiran si Vhong na huwag nang patulan ang mga sinabi ni Guerrero dahil nasa korte na ang kaso.

May tiwala sa justice system si Vhong. Umaasa siya na magkakaroon ng katarungan ang hindi niya malilimutan na karanasan noong 2014.

Anak ni Boyet ooperahan ng 8 to 10 oras, Sandy nagpapatulong sa pagdarasal

Lumipad sa Amerika si Christopher de Leon dahil sa surgery sa kanyang anak na si Miguel sa February 3.

Naiwan sa Pilipinas si Sandy Andolong na sumulat ng isang dasal para sa nalalapit na operasyon sa anak nila ni Christopher.

Ito ang straight from the heart na dasal ni Sandy na gusto ko na i-share sa lahat ng PM readers:

“ We are offering a prayer before surgery, on February 3, 2015, so that Miguel de Leon may feel Thy love and our love.

“And Father, please bless Miguel, his wife, & our fa­mily to be comforted and free from worry or stress at this time. We are grateful for the skilled surgeons and medical staff that will be all around him.

“We ask Thee to bless the doctors that will attend to Miguel’s 8-10 hour surgery that they will be inspired by Thee, that their skills be made strong, hands be made steady and sure and that the operation will go smoothly and be a success. Please send angels and Thy love.

“ We invite Thee to attend and direct the surgery. Please, Father, bless the surgery recovery time to be pleasant, free from illness, infection and stress. Please bless Miguel’s body to respond well to the surgery and all the medications.

“Please bless the healing after surgery to be rapid and perfect. Bless Miguel to return to normal life and responsibilities as soon as possible. Give them strength that they will use their health to love and serve Thee as Thou hast loved and served them.

“Please bless the doctors for their skills and education; and for being able and willing to help us all at this time. We thank thee for all Thou has given us, and ask for these blessings on all, especially for your son Miguel

“This is our prayer. All of this we ask for; if it be Thy will, in Jesus Christ’s name, Amen.”

vuukle comment

BLESS

BLESS MIGUEL

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

DENIECE CORNEJO

FERDINAND GUERRERO

GUERRERO

JED FERNANDEZ

MIGUEL

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with