Miss Colombia hindi nakakagulat ang pagkapanalo
Deserving na Miss Universe 2014 si Paulina Vega ng Colombia dahil beauty queen material talaga siya.
Hindi naman surprise winner si Vega dahil sa preliminary competition pa lang, siya na ang pinapaboran na manalo.
Hindi uuwing luhaan si Mary Jean Lastimosa ng Pilipinas dahil nakita ng mga Pinoy ang lahat ng mga ginawa niya para makuha ang Miss Universe crown pero hindi siya pinalad na manalo. At least, natupad ang longtime dream ni Mary Jean na makarating siya sa Miss Universe as in nagbunga ng maganda ang tatlong beses na pagsali niya sa Bb. Pilipinas.
Winwyn Marquez inaabangan naman kung mananalo sa Binibining Pilipinas
Tapos na ang euphoria ng pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas at ang pagsali ni Mary Jean Lastimos sa Miss Universe.
Back to regular programming ang mga Pinoy dahil ang mga bagong eskandalo sa showbiz ang kanilang pag-aaksayahan ng panahon.
‘Yung mga mahihilig sa beauty contest, aabangan ang coronation sa March ng mga bagong winner ng Bb. Pilipinas na nagkaroon ng showbiz flavor dahil sa pagsali ni Winwyn Marquez, ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.
Pinaghahandaan na mabuti ni Winwyn ang pagrampa niya sa Bb. Pilipinas at dahan-dahan nang nakikita ang resulta dahil paganda siya nang paganda.
Isabel Lopez ayaw nang imbyernahin ang pinanggalingan
Maingat na raw sa pagbibitaw ng salita si Ma. Isabel Lopez tungkol sa Bb. Pilipinas at sa isyu ng mga damit na ipinagamit kay Mary Jean Lastimosa sa Miss Universe.
Nag-mellow na yata si Isabel na dating walang pakialam sa pagsasabi ng kanyang mga nararamdaman laban sa organizer ng Bb. Pilipinas.
Kilala si Isabel sa pagiging prangka at palaban pero hindi na personal ang mga batikos niya laban kay Mrs. Stella Marquez De Araneta.
Sinagot lang ni Isabel ang mga tanong sa kanya ng mga reporter na bumisita sa taping ng Ang Lihim Ni Annasandra. Hindi siya nagbitaw ng maaanghang na salita laban kay Mrs. Araneta. Hindi kagaya noon na talagang nagpainterbyu si Isabel dahil umano sa pang-iisnab sa kanya ng Bb. Pilipinas people nang dumalo siya sa coronation night sa Araneta Coliseum.
Pinagpistahan ng mga tao ang mga pang-ookray noon ni Isabel kay Mrs. Araneta at sa staff ng Bb. Pilipinas.
Assassination plot kay Pope Francis nakakaloka
Nakakaloka naman ang balita na diumano, totoo na may assassination plot laban kay Pope Francis nang bumisita siya sa Pilipinas.
Ang sabi sa mga report, balak patayin ng isang grupo ng terorista ang Santo Papa noong January 18 habang binabagtas ng popemobile ang T. M. Kalaw Street.
Hindi raw natuloy ang plano ng mga terorista na hindi nakalapit kay Pope Francis dahil sa rami ng mga tao.
Totoo man o hindi ang assassination plot, dapat tayong magpasalamat dahil hindi ‘yon natuloy dahil tiyak na marami ang masasaktan o magbubuwis ng buhay.
Hindi dapat ipinagwawalang-bahala ang mga report tungkol sa balak na pagpatay sa Santo Papa. Mabuti na ang nag-iingat at siyempre, dapat papurihan ang Philippine National Police dahil walang kaguluhan na nangyari habang nasa bansa si Pope Francis.
Tama lang na parangalan ang mga pulis dahil sa proteksyon na ibinigay nila sa Santo Papa at sa lahat ng mga Pilipino na nag-abang sa mga lugar na dinaanan ni Pope Francis.
- Latest