^

Pang Movies

Hindi inasahan Angelica hirap tanggapin na magiging nanay na

- Vinia Vivar - Pang-masa

Maging si Angelica Panganiban pala ay nagulat nang i-offer sa kanya ang remake ng Pangako sa ‘Yo. Actually, ang una pa nga raw inalok sa kanya ay ang karakter ni Amor Powers na matatandaang orihinal na ginampanan ni Eula Valdez.

“Actually, nang in-offer siya sa akin, hindi ako makapaniwala na ino-offer siya sa akin. Na parang iniisip ko kung seryoso ba talaga si tita Malou (Santos, head ng Star TV Creatives na producer ng nasa­bing remake) na gawin akong nanay nun’g. . .kasi ang unang ibi­nibigay sa akin, ‘yung Amor, so, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na may anak na akong kasing-laki ni Kathryn (Bernardo),” kuwento ni Angelica.

Hindi nilinaw ng aktres kung tinanggihan niya ang role na Amor Powers but apparently, inalok siya ulit ng ibang role, bilang Claudia Buenavista naman at ito na ang tinanggap niya.

Si Jodi Sta. Maria naman ang final nang gaganap na Amor Powers.

Sa kuwento ng Pangako sa ‘Yo, si Claudia ang na­nay ni Angelo (originally portrayed by Jericho Ro­sales habang si Yna (na una ring ginampanan ni Kristine Hermosa) naman ay anak ni Amor Po­wers.

Sa remake ngayon, si Angelica ang nanay ni Daniel habang si Jodi naman ay nanay ni Kathryn.

Ayon kay Angelica, nagtitiwala naman daw siya sa management kaya tinanggap na rin niya ang offer.

“Siyempre, ang una kong tinanong kung talaga bang nakikita nila na magwo-work, so kung nagtitiwala naman ‘yung management sa akin na kaya kong gawin ‘yung karakter ni Claudia, eh ‘di, kung baga, nag-take po ako ng malaking risk.

“Saka inisip ko rin kasi, kung gagawa ako ng mother role, gagawin ko na ‘yung role ng isang na­ging icon. Doon na rin naman ako papunta. I mean, siyempre, marami na akong roles na nagampanan, marami na akong kung baga in-enjoy na moments sa career ko, so gusto ko ring i-enjoy ‘yung bagong phase ng career ko,” sabi ni Angelica.

Dahil matagal-tagal na ring hindi sumasabak ang aktres sa heavy drama at lately kasi ay pakome-comedy lang siya, aminado si Angelica na kinakabahan din siya na gampanan ang papel na Claudia.

“Medyo nakakakaba siya talaga, ga­nito rin naman ‘yung naramdaman ko nung nagsisimula ako sa Apoy sa Dagat, parang hindi ko alam kung kaya ko pang magseryoso ulit or kung baga, namnamin ang mga drama sa buhay, lalo na kapag soap opera, so ‘yun, talagang kinakabahan po ako,” she said.

But knowing kung gaano rin kaga­ling na aktres si Angelica, nakasisiguro naman kaming kayang-kaya niya ang role na dating ginampanan ni Jean Garcia.

JC ayaw ilihim ang relasyon kay LJ

Inamin ni JC de Vera sa isang panayam recently na mayroon siyang idine-date. At mukhang si LJ Reyes ang girl na tinutukoy ng aktor dahil nasabi ­niya rin sa Aquino & Abunda Tonight na these past two months ay nai-involve siya sa aktres. Na-meet na pala niya ang anak nitong si Aki at pati pamilya ng aktres.

Masaya naman daw sila pero hindi pa raw sila dumarating sa medyo malalim na lebel dahil sa kani-kanilang busy schedules.

Mataandaang matagal nang nali-link sina JC at LJ at pareho na nila itong itinanggi noon. Ngayon lang nare-reveal na totoo naman pala ang tsismis noon pa.

Anyway, sa ngayon ay sa pelikula naman mapapa­nood si JC, ang Halik sa Hangin with Julia Montes and Gerald Anderson na showing na sa Jan. 28. Sa TV naman, he’s doing We’ll Never Say Goodbye with Richard Gomez and Dawn Zulueta for March airing.

 

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

AMOR PO

AMOR POWERS

CLAUDIA

CLAUDIA BUENAVISTA

KUNG

NAMAN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with