^

Pang Movies

John Lloyd babalikan sina Sarah at Bea!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Winakasan ng Kapamilya na si John Lloyd Cruz ang bulung-bulungan na lilipat na siya sa ibang TV network matapos siyang pumirma ng three-year contract sa ABS-CBN nitong Huwebes (Jan 22).

Bukod sa sitcom niyang Home Sweetie Home, inilahad din ni John Lloyd na may iba pa siyang proyekto na gagawin sa TV, maging sa pelikula.

“Ang daming exciting na proyektong nasa paligid ko, nakaka-excite,” pahayag ng aktor.

Bagama’t hindi lubusang binigay ni John Lloyd ang mga detalye tungkol sa nakapila niyang mga proyekto, naibahagi  naman nito na makakasama niya mula sa tig-isang pelikula ang mga dating naging katambal nito na sina Sarah Geronimo at Bea Alonzo. Naipahayag din ng aktor na nais din sana niyang muling makasama sa isang pelikula si Toni Gonzaga.

Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, broadcast head na si Cory Vidanes, Star Creatives head na si Malou Santos, Star Magic consultant na si Johny Manahan, at talent ma­nagement & development center managing director na si Mariole Alberto.

BEA ALONZO

CHARO SANTOS-CONCIO

CORY VIDANES

HOME SWEETIE HOME

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JOHNY MANAHAN

MALOU SANTOS

MARIOLE ALBERTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with