Allen naka-15 acting awards na
Hindi matatawaran ang galing ni Allen Dizon pagdating sa pag-arte. Siya ang magandang halimbawa ng isang artista na ‘di tumitigil para ma-improve ang craft sa pagdaan ng maraming taon.
Fifteen years na sa showbiz ang aktor at nakakuha na rin ng 15 acting awards. Pinakahuli ang Best Actor award sa Hanoi Film Festival para sa pelikulang Magkakabaong. Kasama ang anak sa pelikula na nag-aartista na rin ngayon, si Felisha Kristen na siyam na taong gulang na. Pero ayon kay Allen prayoridad sa kanilang mag-asawa ang pag-aaral nito at kapag bakasyon lang ay saka gagawa ng pelikula.
Kasama si Felisha sa Childhaus sa direksyon ni Louie Ignacio kung saan isang cancer kid ang karakter na gagampanan nito.
Paalis si Allen for Japan kung saan gagawin nito ang The Invisible bilang laos na hosto, under Sinagtala ni Brilliante Mendoza. Makakasama niya sina JM de Guzman, Ces Quesada, Bernardo Bernardo at Ricky Davao sa pelikula.
Pagdating nito sa bansa sa Pebrero ay nakalinya na ang gagawin nitong pelikula under BG Productions kung saan si Mel Chionglo ang director.
Hindi nababakante sa paggawa ng pelikula ang aktor dahil bukod sa napakagaling umarte ay bentahe nito ang pagiging propesyonal sa trabaho at marunong makisama sa mga tao.
Lahat na kinita nito ay napupunta sa negosyo dahil naniniwalang hindi panghabang buhay ang pag-aartista. Meron siyang car business, may food business na Kenny Rogers.
Mylene gustong sampal-sampalin
Isa rin sa magagaling umarte na kontrabida ay si Mylene Dizon na gumaganap na ina ni Miguel Tanfelix sa teleseryeng Once Upon A Kiss. Mataray ang role nito na mapang-api sa kapwa.
Kapag napapanood siya ay isa lang ang sinasabi ng manonood. Gusto siyang sampal-sampalin kapag nakita nang harapan.
- Latest