^

Pang Movies

‘Away’ nina Eula at Jean bubuhayin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

After 13 years, muling magsasalpukan sa pag-arte sina Amor Powers at  Claudia Buenavista. Yes, dahil si Eula Valdes ang bagong character na papasok sa nanatiling matatag na afternoon prime ng GMA-7, ang The Half Sisters, na nagtatampok kay Jean Garcia, bilang ina ng half sisters na sina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

Unang nagsama sina Eula at Jean sa teleser­yeng Pangako Sa ‘Yo noong 2002 at sino ba ang makalilimot kay Amor Powers (Eula) at Claudia Buenavista (Jean)? Ngayon lamang sila muling magsasama sa isang drama series. Nasa third book na ang The Half Sisters at babalik din ang character ni Jomari Yllana as Benjie, ang tunay na ama ni Diana (Barbie).

Alden nagpala at nag-alis ng debris sa kanyang birthday celebration

Last January 2, GMA Primetime Prince Alden Richards quietly celebrated his 23rd birthday with family and friends dahil nagkaroon siya ng isang outreach program noong January 12, through GMA Artist Center. Tumulong siya sa paggawa ng mga bahay sa build-a-home project ng Habitat sa isang lugar sa Quezon City. Pero sa halip na tumulong sa pagtatayo ng bahay sa construction site, naatasan si Alden na tumulong sa paglilipat ng mga debris at semento na naiwan sa pagtatayo ng bahay. Wala namang reklamong sumunod si Alden, nagpala siya ng lupa at semento na inilipat niya ng lugar. Medyo nakulangan pa nga raw siya sa naitulong niya pero sabi ng head ng Habitat, hindi kung gaano kalaki at kabigat ang nagawa niya kundi kung ano ang nagawa niya. Kundi raw siya tumulong sa pag-aalis ng mga debris na iyon, mahihirapang dumaan ang mga manggagawang nagta­trabaho roon.

Alden is leaving on Saturday for Netherlands to attend the Rotterdam International Film Festival kung saan entry ang short film niyang Kinabukasan. Kasama niya sa pelikulang ito si Ms. Nora Aunor.

Jasmine ayaw nang patusin ang fans nina Daniel at Kathryn

Ayaw na lamang patulan ni Jasmine Curtis-Smith ang mga bashers niyang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ayaw siyang tantanan sa social media. Kababalik lamang niya from her Christmas vacation with her fa­mily sa Australia at sumabak na agad siya sa Move It: Clash of the Street Dancers na magsisimula na sa Sunday, January 25, at 7:00 p.m. with co-host DJ Tom Taus. May solo at crew categories ito.

Nagsimula na rin siyang mag-taping ng Wattpad Presents na House Full of Hunks kasama ang mga hunks na sina Vin Abrenica, Albie Casino, Charlie Sutcliffe, John Spainhour, at Sandino Martin na mapapanood naman sa February 9 to 13, 7:00 p.m.

vuukle comment

ALBIE CASINO

AMOR POWERS

ARTIST CENTER

BARBIE FORTEZA

CHARLIE SUTCLIFFE

CLASH OF THE STREET DANCERS

CLAUDIA BUENAVISTA

HALF SISTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with