^

Pang Movies

Balik na ang normal na buhay, Marian at Dingdong nasa ‘Pinas na, trabaho na uli ang aatupagin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakabalik na sa bansa ang bagong kasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera mula sa ho­neymoon nila sa ilang lugar sa Italy na nagtapos sa Madrid, Spain dahil isang wedding reception din ang inihanda ng amang si Fran Gracia Alonso at relatives ni Marian doon. Nakilalang lahat ng mag-asawa ang mga kapatid ni Marian sa second wife ng ama, ang mga uncle at cousins niya roon. Naroon din sa Madrid ang iba namang kapa­tid ng Mama Amalia ni Marian na umuwi sa bansa para mag-attend ng wedding niya.

Kahapon ay nakipag-meeting na si Ma­rian sa GMA Network para sa bago niyang soap na sinulat ni Suzette Doctolero ang script. Kung maaayos na ang casting ng soap, malamang bago matapos ang Jan­ua­ry, magsimula nang mag-taping si Marian.

Andrea masayang makakakain na uli ng pampataba!

Malungkot na masaya si Andrea Tor­res nga­yong papatapos na ang taping nila ng afternoon prime drama niyang Ang Li­him Ni Annasandra. Malungkot dahil mami-miss niya ang mga ka­sa­ma sa cast like Glydel Mercado, Maria Isabel Lopez, Mikael Daez, Emilio Garcia, Rochelle Pa­ngilinan, Pancho Magno, at Cris Villonco, dahil halos araw-araw silang magkakasama sa taping for four months. Pero masaya siya dahil nagustuhan ng viewers ang concept ng story na dahil sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang namatay na anak, nagawa niyang sumumpa ng paghihiganti at si Annasandra ang nagdusa sa pagiging awok (baboy damo) dahil sa sumpa.

Ngayong papatapos na ang taping nila, puwede nang kumain si Andrea at medyo magpataba. Her role kasi required for her na maging slim lagi lalo na kapag nagta-transform siya from a sexy human being into an awok na manipis na cloth lamang ang nakatakip sa dibdib niya. Nasa last three weeks na lamang ang soap na dinidirek ni Albert Laguitan at napapanood daily after ng Yagit.

Nico Antonio ayaw nang kumuha ng bar exam magku-concentrate na lang sa pag-arte

Graded A ng Cinema Eva­luation Board (CEB) ang M (Mother’s Maiden Name) entry ng Quantum Films sa New Wave Category ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) last De­cem­ber. Gumanap na mag-ina rito sina Zsa Zsa Padilla who has a pan­crea­tic cancer at si Nico Antonio, a closet queen. Tu­manggap din ang M ng Special Jury Prize bukod pa sa Best Actress award for Zsa Zsa and Best Supporting Actress award for Gloria Sevilla. Showing na sila today, November 21 in cinemas nationwide.

Nagulat lamang kami kay Nico sa presscon nang sabihin niyang ayaw na niyang mag-take ng bar exam at magku-concentrate na lamang siya sa acting at sa pagma-manage ng kanilang Quantum Films. Mahusay na actor si Nico at kahit anong role hindi niya tinatanggihan, pero bakit ayaw niyang maging lawyer someday tulad ng inang si Atty. Joji Alonso at dalawang kapatid na mas bata sa kanya? Inamin ni Nico na nawala na ang passion niyang ma­ging lawyer at kailangan na raw niyang kumita dahil lumalaki na ang anak niya. Tama na raw na iyong na­pag-aralan niya sa law ay magagamit niya sa pagdi-deal niya ng contract sa mga artista nila at mga kasama sa trabaho. Pero nang pilitin namin si Nico na sayang naman ang ilang taon niyang pag-aaral ng law, inamin na niyang natatakot siyang hindi makapasa kapag kumuha siya ng bar exam. Ayaw daw niyang mapahiya sa kanyang mommy who placed no. 16 nang kumuha ito ng bar exam.

vuukle comment

ALBERT LAGUITAN

ANDREA

NICO

NICO ANTONIO

NIYA

NIYANG

QUANTUM FILMS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with