^

Pang Movies

Mga stranded na pasahero sa Tacloban iritable na, nakabalandra pa rin ang eroplanong sumadsad sa runway

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Imbyerna naman ang mga pasahero na dalawang araw na-stranded sa Tacloban City dahil cancelled ang lahat ng flights na epekto pa rin ng private plane na sumadsad sa airport.

Apektado ang mga important appointments ng mga pasahero na nagtataka dahil tatlong araw nang nakabalandra sa airport runway ang private plane at hindi pa ito inaalis.

Ang sumadsad na eroplano ang sinakyan ng mga cabinet official ni P-Noy na nagpunta sa Tacloban City noong Sabado para sa misa ni Pope Francis para sa Typhoon Yolanda victims.

Sabado nang mangyari ang aksidente at Sunday morning nang bumalik sa Maynila ang mga cabinet official.

Iritableng-iritable ang mga pasahero na helpless dahil bawal mag-landing sa Tacloban Airport ang mga eroplano na magdadala sa kanila sa Maynila.

Maliliit na eroplano lang ang pinayagan na lumapag sa Tacloban Air­port kaya iilan lamang ang mga pa­sahero na nakasakay at nakaalis sa Tacloban City. ‘Yung iba naman, nagpunta sa Ormoc City, sumakay ng ferry na naghatid sa kanila sa Cebu City at dito sila bumili ng tickets ng mga eroplano na sinakyan nila patungo sa Maynila.

Inilipad na nga pala kahapon sa Maynila ang bangkay ni Kristel Padasas, ang Papal mass volun­teer na namatay sa Tacloban City dahil nabag­sa­kan ng scaffolding na kinalalagyan ng isang mala­king speaker.

Personal na nakausap ni Pope Francis ang ama ni Padasas noong Linggo. Nakiramay ang Santo Papa sa nagdadalamhati na tatay ng biktima.

OFW sa Hong Kong ang nanay ni Padasas na sinubukan na tawagan sa telepono para personal na makausap ni Pope Francis pero nabigo ito.

Hangang-hanga ang Santo Papa sa katatagan na ipinakita ng ama ni Padasas at sa malaking pananalig nito sa Diyos sa gitna ng pamimighati.

Iniimbestigahan na ng mga pulis sa Tacloban City ang kaso ni Padasas para managot ang dapat na managot sa naganap na trahedya.

Ogie ayaw kumanta, gustong panoorin ang concert nina Regine sa Valentine

Kahapon ang presscon ng Ultimate, ang Valentine’s Day concert nina Martin Nievera, Lani Misalucha, Gary Valenciano, at Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena.

Nagsimula ang ticket selling para sa Ultimate noong December 2014. Tuwang-tuwa ang produ ng concert dahil in demand ang tickets para sa Va­lentine show nina Martin, Regine, Gary, at Lani.

Hindi tumanggap ng Valentine concert ang dyowa ni Regine na si Ogie Alcasid dahil nakakundisyon na ang isip nito na panonoorin niya ang Ultimate.

Isang guesting lang ang tinanggap ni Ogie, ang Valentine show ni Zsa Zsa Padilla sa Music Museum sa February 13 na walang conflict sa Ultimate dahil sa February 14 ang date nito.

Kris tama lang na ipinagtanggol ang anak sa pang-ookray na bading

May dahilan si Kris Aquino para maimbyerna sa fan na nagkomento na bading ang kanyang anak na si Bimby.

Kung ako man ang nasa katayuan ni Kris, magagalit ako at makikipag-away dahil pati ang kanyang anak na 7 years old ay idinadamay sa pang-ookray.

Hindi nawawala ang mga ganyang klase ng fans. Nakikiusyoso na nga, nagkokomento pa ng mga hindi kanais-nais na salita. Hindi na lang makuntento sa kanilang mga nakikita at nababasa.

Tactless man si Kris, dinededma nito ang mga personal na batikos sa kanya dahil nasa showbiz siya pero ibang usapan na kung ang mga anak niya ang binibiktima ng mga basher.

CEBU CITY

CITY

DAHIL

MAYNILA

PADASAS

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with