John Spainhour $1-B at attack helicopter ang hinihingi sa mga nag-aalok ng indecent proposal
Pinasok na ng Bench Body model na si John Spainhour ang pag-aartista. Nakilala si John dahil dati siyang winner ng Century Tuna Super Body noong 2011 at lumaban din siya sa Mr. World noong nakaraang taon.
Ngayon ay kasama siya sa bagong episode ng Wattpad Presents A House Full of Hunks kung saan kasama niya sina Jasmine Curtis-Smith, Albie Casino, Charlie Sutcliffe, at Vin Abrenica.
Dating sarhento sa US Marine Corp si John at nakasama ito sa giyera sa Iraq noong 2008 at 2009. Noong iwan na niya ang serbisyo noong 2010, doon na niya naisip na pasukin ang pagmomodelo.
“My brother James was then modeling in Asia, so asked me if I wanted to try it out? So I said yes because people have been asking me if I was a model. So why not make that real, right?
“My brother modeled only in Japan and Thailand. He was more into the formal and casual wears.
“Since I had a bigger built because of my training with the marine, I was doing athletic wears and beach attires. Until I was invited to join Century Tuna in 2011 and I won. That led to more modeling jobs and ad campaigns. I was also doing TV commercials.”
Dahil guwapo at macho si John, marami raw siyang natanggap na mga indecent proposals. Marami na raw nag-alok sa kanya ng pera, kotse, at condo unit.
“Right off the bat, someone will ask me what’s my price? So I would answer something ridiculous that I know they can’t give me like a billion US dollars and an attack helicopter!
“That’s my standard answer to those that they call indecent proposals. I guess no one will ever be able to give those two things right away just to make me say yes.
“But sorry, I’m just for the girls!” pagtatapos pa ni John Spainhour.
Thea naubos ang malaking kita dahil sa debut
Thankful si Thea Tolentino dahil sa sobrang popular ng afternoon drama series nila ni Barbie Forteza na The Half-Sisters, marami na ang nakakakilala sa kanya lalo na kapag may regional shows ang GMA-7.
Hindi na raw Thea ang tawag sa kanya kundi ang name niya sa teleserye na Ashley.
Mabuti na lang daw at wala namang nagagalit sa kanya dahil sa kanyang kontrabida na character sa show.
“So far, wala naman po. Kapag nakikita nila ako, hindi sila natatakot sa akin. Wala rin nagtataray sa akin. Team Ashley pa nga ‘yung iba,” ngiti pa ni Thea.
Noong June 2014 nagsimula ang The Half-Sisters pero na-extended sila hanggang March 2015. Kaya biniro namin si Thea na malaki na ang naipon niya dahil sa show lang na iyon.
“Opo, pero pinambabayad ko po sa ginastos ko sa debut party ko last year,” sabay tawa niya.
“Pero dahil po na-extend kami ulit, nabayaran ko na ng buo ang mga utang namin. Kaya blessing sa amin ang show na The Half-Sisters dahil maraming magandang nangyari sa akin last year dahil sa success ng show namin ni Barbie.”
Isa si Thea sa kinuhang bagong endorsers ng 2015 collection ng fashion retail brand na Boardwalk. Kasama niya ang kapwa Kapuso stars niyang sina Sam Pinto, Kim Rodriguez, Juancho Trivino, Jeric Gonzales, Mike Tan, at Alden Richards.
Nick Cannon mas pinili ang trabaho kasya kay Mariah at mga anak
Ilang araw lang pagkatapos i-announce ni Mariah Carey na magiging resident performer siya sa Caesar’s Palace in Las Vegas, biglang lumabas ang balitang pag-file ng estranged husband niyang si Nick Cannon ng divorce.
Noong nakaraang December 12, 2014 pa nag-file si Nick ng divorce sa New York para matuldukan na ang anim na taong pagsasama nila ni Mariah bilang mag-asawa.
Nag-file si Nick ng mga divorce papers noong kasalukuyang nagkakaroon ng issue tungkol sa pag-awit ni Mariah sa Rockefeller Center Christmas Tree Lighting Ceremony.
Noong April 2014 lumabas ang balitang hiwalay na sila Nick at Mariah. Sa magkaibang bahay na sila nakatira noong ma-confirm na nagkakaproblema na ang pagsasama nila.
Ayon pa sa isang close friend ng mag-asawa, sinubukan ni Mariah na maayos ang pagsasama nila para sa kanilang kambal na anak na sina Moroccan and Monroe.
“Mariah is heartbroken. She has tried and tried to get him to stay home more, but he always uses work as an excuse. When she points out that, financially, he does not need to be working as much as he does, it pisses him off and pushes him farther away. He hates when people assume he’s living off her money.”
Ikinasal sa isang secret ceremony sa the Bahamas sina Mariah and Nick noong 2008.
- Latest