Pokwang nagbuhay-reyna sa piling ng kanong actor na si Lee O’Brien!
MANILA, Philippines - Nakatikim ng buhay-reyna si Pokwang sa mga male cast ng ipalalabas na movie niyang Edsa Woolworth. Imagine, tanging siya lang ang tunay na babae sa cast dahil ang lumabas na kapatid niya sa pelikula na si Ricci Chan ay binabae, huh!
Dumating sa bansa ang lumabas na leading man ni Pokie sa movie na si Lee O’Brien at ang stepfather niya na si Stephen Spohn, kasama ang Fil-Turkish na si Prince Saturan na lumabas din niyang kapatid.
So, dahil siya ang nag-iisang babae sa grupo, “Masyado naman nila akong inalagaan ng bongga naman! May isang babae-babaihan lang! Ha! Ha! Ha!
“Sobrang pampered ako sa kanila. Spoiled ika nga! Kahit dugu-duguan habang sinu-shooting ito! Ha! Ha Ha! Naubusan ako ng Ingles. Saka mini-make sure nila na happy ako sa bawat eksena! Happiness is the best policy! Ha! Ha! Ha!”
Ayon pa sa komedyana, patuloy pa rin daw ang komunikasyon nila ni Lee kahit tapos na ‘yung shooting nila.
“Concerned na concerned nga siya nu’ng may bagyo rito sa atin! Pero siyempre, pigil-pigil muna tayo. Hindi pa graduate ang anak ko!
“Alam nila na marunong akong magluto! Saka sa shooting, ‘pag alam nilang nagkakabisa ako ng linya, kalma lang sila sa isang tabi. Hindi nila ako kinukulit! He! He! He!” sagot niya.
So ngayong nandito na si Lee, na kilig-kiligan siya dahil sa pagiging malambing nito, iwas sa tanong si Pokie. “The movie is all about family!” sabi niya. Sabay banat ng, “Bubuo kami ng family! Ha! Ha! Ha!”
Sey pa ni Pokie, hindi naman daw siya choosy pagdating sa lalaki. Pero mas nangingibabaw kasi ang prayoridad niya sa pamilya kesa sa sarili.
Mga Kano na co-star ni Pokwang sa Edsa, bilib sa sipag at pagiging professional ng mga Pinoy
Most professional set naman ang pahayag ng mga Amerikanong sina Lee at Stephen sa experience nila sa movie.
“They are very, very talented too! The director is a topnotch too! I’m really proud with this project,” sabi naman ni Stephen.
Saad naman ni Lee, “I’ve had experience in other cultures and languages. Actually, I got started in Latin America. So the shock of working with other cultures is not so intense!
“I would be happy to work with Pinoy group again. It’s all good in that sense. There was no problem!”
- Latest