^

Pang Movies

Lani ayaw na sa Kongreso!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Huling Sunday ng Disyembre, 2014, nagpunta kami ng PNP Custodial Center para dalawin si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. at nadatnan namin si Congresswoman Lani Mercado. Sabi ni Ma’am Lani, as much as posible lagi siyang dumadalaw sa kalungan ng mister niya. Puwera lang ‘pag Lunes dahil ‘yung katungkulan naman niya bilang representante ang inaasikaso niya.

Kakandidato pa ba siya uling congresswoman sa 2016?

“Hindi na,” sabi niya. “Tatakbo akong mayor ng city of Bacoor. Magpapalit kami ni Strike Revilla. Siya naman ang tatakbo sa kongreso. Last term na niya bilang mayor. Ako, may two terms bilang congresswoman. Pero gusto kong maging mayor dahil mas direkta kang nakakatulong sa tao.”

Bakit nabalita noon na kakandidato siya as senator?

“Sa nangyari sa senado ngayon, mas gusto ko pa ng ibang posisyon.”

Bumaling naman kami kay senator Bong. Kumusta ang Pasko niya? “First time kong mag-Pasko dito sa detention center. Iba. Mas gusto ko pa rin sa bahay. Pero ang nangyari, ‘yung pamilya ko ang nagsipagpuntahan dito. Kahit ‘yung father ko (Ramon Revilla, Sr.), dumating dito nung 24. Masaya ako at dumating siya.”

Update tungkol sa kaso niya? “Naghain kami ng motion for reconsideration para makapag-bail ako. It will take 20 days day bago maaksyunan iyon. Kung idadaan kasi sa merits ng case, lalabas ako. Pero kung pulitika ang paiiralin, hindi ako lalabas. Pero mas powerful pa rin ang Diyos kaya sa kanya ko na lang itinataas ang kaso ko.”

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

CUSTODIAL CENTER

HULING SUNDAY

NIYA

PASKO

PERO

RAMON REVILLA

SENATOR RAMON

STRIKE REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with