^

Pang Movies

Kuya Germs pahinga muna sa trabaho

- Vinia Vivar - Pang-masa

Salamat naman at medyo bumubuti na ang kala­gayan ni Master Showman “Kuya Germs” Moreno matapos magkaroon ng mild stroke at isu­god sa hospital last January 3. Ayon sa update ng kanyang anak na si Federico Moreno, okay na ang ama although kailangan pa rin ng home therapy para tuluyan itong gumaling.

Ayon kay Federico, over-fatigue ang dahilan ng pagkaka-stroke ng ama. Napagod marahil nitong nagdaang Kapaskuhan.

“He has to slow down. ‘Yun ang usapan namin with the family na it’s going to be different pag-uwi niya sa bahay,” say ni Federico.

Within the next few months ay hindi raw nila pagtatrabahuhin muna si Kuya Germs para tuluyang gumaling at hindi na maulit muli ang nangyari.

Yes, agree kami na Kuya Germs should take a break. It’s about time. Walang tigil siya sa pagta­trabaho simula pa noong Sampaguita days. Dire-diretso at wala kaming natatandaang nagbakasyon or nag-lie-low siya sa showbiz.

Pero hanga rin kami sa resistensiya niya dahil sa tinagal-tagal pero ngayon lang namin siya nabalitaang nagkasakit.

But this time, kailangan niya siguro munang isantabi talaga ang trabaho. After all this years of hard work, panahon na para magbakasyon siya at mag-enjoy sa buhay.

Kim feel na feel ang Mulan

Nagpahayag ng pasasalamat si Kim Chiu sa kanyang Instagram account dahil sa pagkakapili sa kanya ng Walt Disney Company for its project this 2015.

Si Kim ang napiling maging Princess Mulan na matatandaang nag-pictorial pa siya sa ibang bansa bandang October.

Ini-release na ng Disney Channel Asia ang pictorial ni Kim na naka-outfit as Mulan and habang Rapunzel naman si Sarah Geronimo na talaga namang ikinatuwa ng kani-kanilang libu-libong fans.

Bagama’t hindi pa ina-announce ng Walt Disney kung ano ang project ni Kim, nabanggit na sa amin noon ng young actress sa panayam namin sa kanya na Disney Calendar for 2015 daw ang proyektong ito.

Andi anak muna ang aatupagin

Diretsang sinabi ni Jacklyn Jose na hindi niya gusto si Bret Jackson para sa anak niyang si Andi Eigenmann. Pero ayon sa young actress, it doesn’t matter to her.

“(She was) just asked, puwede naman niyang sabihin what she wants and at the same time, hindi pa naman niya nakikilala si Bret, so, (I’m) open to judgment,” say ni Andi.

Hindi pa raw nagkakaroon ng chance ang mom niya na makilala nang husto si Bret at alam din naman daw niya na talagang close ito sa ex-boyfriend niyang si Jake Ejercito.

“She loves Jake,” say pa ni Andi.

Pero this 2015, ang gusto raw niya ay mag-focus sa trabaho.

“Para rin sa daughter ko, kay Ellie, I just want everything on this whole year all about me and her,” she said.

Bagama’t medyo matagal nang walang TV project si Andi at ang huli pa niyang teleserye ay Dyesebel, may pelikula naman siyang ipalalabas ngayong Enero 8, ang Tragic Theater under Viva Films.

ANDI

ANDI EIGENMANN

AYON

BAGAMA

BRET JACKSON

DISNEY CALENDAR

KUYA GERMS

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with