Dingdong at Marian ipinagdarasal na humaba ang pagsasama tulad nina FPJ at Susan
Although we are actually not that close to either Dingdong Dantes or Marian Rivera, we pray that the two of them have a lasting marriage.
Just like the late Fernando Poe, Jr. and Susan Roces, na ikinasal, December 25, 1968.
Dingdong and Marian, like the late FPJ and Susan have the same zodiac sign — Leo.
FPJ was born August 20, Susan, July 28.
Dingdong, we all know, marks his birthday August 2, si Marian naman, August 16.
By the way, to Dingdong and Marian, salamat sa imbitasyong ipinadala ninyo sa akin to your wedding.
Zanjoe at Bea hindi ipinangangalandakan ang relasyon sa social media
Kung walang ingay na masyadong naririnig tungkol kina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, halimbawa na lang kung saan nila pinalipas na dalawa ang Pasko at Bagong Taon, ‘di nangangahulugan itong may something wrong na kasalukuyang namamagitan sa kanilang relasyon.
The two remained very much in love. Pareho nga lang silang busy. Bea, with her upcoming movie kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. And Zanjoe, with his ongoing series, Dream Dad, kung saan siya ang bida.
Let’s salute Bea and Zanjoe, Salve A., for keeping a low profile tungkol sa kanilang relasyon. Unlike other couples, like them, na mga unmarried pa rin, na ewan kung bakit wari mo’y nagmamalaki pang nagre-report, day and day out, sa kani-kanilang social media account, regarding their respective activities, intimate and otherwise, in and out of the country pa mandin.
Mahirap nga lang mag-name names. Although, we can.
Well.
Atty. Francis gustong ipasa ang MMFF at MMDA kay Sec. Leila De Lima?!
Medyo humupa na nga, Salve A., ang mga nanonood sa kasalukuyan lalo’t on weekdays ng mga pelikulang ipinalalabas sa ongoing Metro Manila Film Festival (MMFF).
At least, unlike noong pinanood namin on its second day ang The Amazing Praybeyt Benjamin, sa Gateway sa Araneta Center in Cubao Q.C., na dusa talaga ang aming naranasan, medyo a little one hour na lang ang aming hinintay bago kami nakapasok ng sinehan.
Madali na kasing bumili ng tiket (yes, bumili kami), para mapanood namin ang Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin.
True, indeed, tulad ng aming naririnig sa mga nakapanood na ng Feng Shui 2, mas ‘di hamak na nakakatakot itong sequel. Mas maraming patayan. At sa iba’t ibang paraan. Na truly scary.
Comment nga ng isang kasabayan namin sa panonood, ano’ng klaseng Feng Shui kaya ang mapapanood 10 years from now?
As publicized, 10 years ago nang unang ipinalabas ang original Feng Shui.
Come to think of it, Salve A., do you think meron pa kayang MMFF 10 years after?
On its 40th year na ang MMFF this year. And if reports are right, yearly, tumataas ang income ng filmfest event na ito. Thanks to MMDA (Metro Manila Development Authority) chair, Atty. Francis Tolentino, who, for four years now, is head of the yearly MMFF, whose brilliant mind is the reason reportedly sa tagumpay nito.
But again ang tanong: Totohanin kaya ni Chairman Francis na tuluyan ng iwanan ang twin posts niyang ito, dahil balak daw niyang tumakbo bilang mayor ng Tagaytay City?
Did we hear it right as well na ang ire-recommend ni Sir Francis to take over his twin posts ay ang fellow Bicolana nila ni Nora Aunor (they both hail from Iriga City in Bicol) na si Justice Secretary Leila De Lima?
- Latest