^

Pang Movies

Wedding cake na pinagawa ni Dingdong worth P7 million?!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Tapos na ang kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes pero up to now, agaw-eksena at pinag-uusapan pa rin ang kanilang higanteng wedding cake.

Hindi lang dito sa atin sa ‘Pinas umagaw ng eksena ang cake kundi all over the world, matuk! Na-feature na pala ito sa US show na Good Morning America ng ABC News which means pati sila ay namangha sa 12-foot-five-tiered 3D wedding cake.

Ibinalita rin ito sa isang Mirror broadsheet UK na may headline na “Is this the world’s biggest wedding cake?” Sa article ay nakasaad na “it’s the size of a fully grown human and it took 10 people to transport it to the wedding venue.”

Pati ang Goldilocks ay nasa international limelight ngayon bilang sila ang gumawa ng cake na ina­bot daw ng isang buwan bago natapos.

Ewan kung true pero ang nasabing “amazing” and breath-taking cake ay worth P7M. Kaloka, ‘di ba naman?

Bukod sa cake ay iniintriga rin ang marangyang kasalan nina Dingdong at Marian. Katakut-takot ang comments sa social media na marami raw kababayang naghihirap at heto’t cake pa lang ay worth P 7M na.

Well, parang wala naman tayong right kwesti­yunin ang nagastos ni Dingdong (yes, siya lahat ang gumastos) sa kasal dahil pinaghirapan niya, pinag-ipunan at pinagtrabahuhan ang perang ‘yun. Sarili niyang pera ‘yun at hindi naman niya ninakaw sa taumbayan dahil hindi naman siya pulitiko.

Maiintindihan pa namin ang pagkukuwestiyon sa kanya kung isa siyang public official o pulitiko dahil siyempre, may thinking na baka may katiwalian siyang ginawa kaya marami siyang pera at dapat niyang ipaliwanag. Yan ay kung pulitiko siya.

Kung gusto niya ng marangyang kasal, karapatan niya ‘yun lalo pa nga’t sa ating mga Pinoy ay napakahalaga ng araw ng kasal kaya hindi rin dapat magtaka ang ibang bansa kung bakit natin ito ginagastusan nang malaki.

Kiko at Kim araw-araw magkasama noong holiday season

Mukhang very smooth ang relasyon (kung anumang relasyon ‘yun) nina Kiko Estrada and Kim Rodriguez dahil panay ang post ng young actress sa Instagram ng pictures nila together na very sweet sa isa’t isa.

Sa rami ng pictures nila, mukhang araw-araw silang magkasama nitong Holiday season. Ang ganda ng kuha nila sa skating ring at ang daming nag-comment na bagay na bagay sila.

May nakapagsabi nga sa amin na sobrang love raw ni Kiko si Kim at wala raw siyang masasabi sa young actor dahil mabait naman daw ito’t effort kung effort sa pagpapakita ng love kay Kim.

Nakatulong din ang Strawberry Lane serye nila para mas maging close sila sa isa’t isa. Tila mas lumalim ang kanilang pagtitinginan at mahahalata mo na ito sa acting nila sa serye nitong mga huling araw.

Kagabi, Friday ay nagtapos na ang Strawberry Lane at dahil nga naging maganda ang feedback ng tambalang Kiko and Kim, may panibago na naman silang serye sa GMA-7 kaya masayang-masaya ang dalawa.

If plans push through, agad-agad na ang kasunod na soap at wala na yatang time magpahinga man lang ang mga bagets. Pero siyempre, mas okay na ‘yung walang pahinga kaysa naman walang trabaho, no!

vuukle comment

ARAW

CAKE

GOOD MORNING AMERICA

KIKO

KIKO AND KIM

KIKO ESTRADA AND KIM RODRIGUEZ

KUNG

NAMAN

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with