^

Pang Movies

Leakage na panalo nina Robin at Kris butata!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mali ang tsismis o ang leakage na sina Robin Padilla at Kris Aquino ang mga mananalo sa awards night ng Metro Manila Film Festival 2014.

Palpak ang tsismis dahil parehong Luz Valdez sina Robin at Kris na tinalo nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, ang stars ng English Only, Please.

In fairness kay Derek, walang ku­mon­tra sa kanyang tagumpay dahil ma­husay talaga ang acting niya sa English Only, Please. Si Derek ang naging mahigpit na kalaban ni Robin sa best actor category ng MMFF 2014.

Kaya lang luhaan sa awards night Kris doble-doble ang kinita sa Praybeyt at Feng Shui

Knowing Kris, hindi siya affected na walang napanalunan na award ang Feng Shui 2 dahil mas mahalaga na tumatabo sa takilya ang pelikula nila ni Coco Martin.

Luz Valdez din sa gabi ng parangal ang co­medy movie ni Vice Ganda pero irrelevant ito dahil tulad ng Feng Shui 2, milyones na ang kinita ng The Amazing Praybeyt Benjamin.

I’m sure, happy si Coco at ang direktor na si Chito Roño dahil kumikita sa box office ang Feng Shui 2. Tama ang desisyon nila na maging co-producers ng pelikula.

MMDA Chairman Tolentino kinilala ang kontribusyon sa MMFF

Pinarangalan si MMDA Chairman Francis Tolentino sa Gabi ng Parangal ng MMFF dahil sa mga kontribusyon niya sa annual film festival.

Sa pagkakaalam ko, last term na ni Papa Francis bilang MMDA Chairman dahil kakandidato siya sa Tagaytay City sa 2016.

Ang tsismis, baka ibigay raw kay Manila City Mayor Joseph Estrada ang pamamahala sa Me­tro Manila Film Festival at good news ito dahil  mula sa movie industry si Papa Erap. Tiyak na mapapaunlad at mapapasigla  pa niya nang husto ang MMFF.

Derek na-good karma sa pakikipag-ayos sa asawa

Hindi umapir si Derek Ramsay sa awards night ng MMFF.

Happy ako para kay Derek dahil ang best actor trophy ang kapalit ng mga pagdurusa na naranasan niya nang lumantad sa publiko ang kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

Sa totoo lang, mabuting tao si Derek kaya good karma siya. Nagkataon lang na nagkaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan ni Mary Christine na pinili na mag-ingay sa media para makuha niya ang atensyon ng publiko.

All’s well that ends well dahil magkasundo na ang estranged couple. Nakuha sa magandang pag-uusap ang solusyon sa kanilang mga personal na problema kaya makakaasa si Derek na magiging bright ang kanyang 2015 dahil wala na ang tinik sa dibdib niya.

vuukle comment

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHAIRMAN TOLENTINO

DAHIL

DEREK

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

FENG SHUI

LUZ VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with