Nasabik sa actor Bonifacio ni Robin dinumog ng mga manonood
Grabe ang kita ng mga kalahok na movies sa Metro Manila Film Festival (MMFF). First day pa lang, buhos na ang moviegoers na sumugod sa mga sinehan kahit na sandamakmak ang tao ang nagsisiksikan. Pinilahan talaga ang movies na Praybeyt Benjamin, Feng Shui 2, Kubot: The Aswang Chronicles 2, at iba pa. Pero shocked kami sa big crowd sa pila ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo ni Robin Padilla. Parang nagutom ang tao kay Robin. Nasabik sila dahil madalang itong mapanuod sa pelikula. Sa TV na lang siya nakikita.
Muling nagtambal sina Robin Padilla at Vina Morales na knows natin na nagkaroon ng sweet memories. Si Oryang na asawa ni Andres Bonifacio ang role ni Vina. Wala raw namang dapat pag-usapan na may nabubuo uling sweetness sa dalawa. Trabaho na lang daw ang kanilang relasyon kaya smooth ang shooting nila sa direksyon ni Enzo Williams. Pawang magagaling na artista ang kinukuha ni Direk Enzo like Eddie Garcia, Jerico Rosales, Ping Medina, Isabel Oli, Jasmine Curtis Smith, Isko Moreno, Daniel Padilla, Rommel Padilla, at marami pang named stars.
Mother Lily at cast ng SRR XV nakangisi agad sa unang araw ng festival
Incomplete ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kung hindi kasali ang Regal Films movie ni Mother Lily Monteverde na Shake Rattle and Roll XV sa direksyon ni Perci Intalan. First day pa lang noong December 25 ay nakangisi na si Mother Lily at ang buong cast ng said horror movie dahil may good news na silang natanggap.
Pambato naman ng My Big Bossing si Ryzza Mae Dizon, and of course si Bossing Vic Sotto.
Maligayang Bagong Taon!
Sa mga relatives ko sa Baguio City, Angeles City, Bolinao, Canada, Dubai, and U.S. at sa mga friends at sa readers ng babasahing ito, belated merry Christmas and A Happy New Year! Greetings & a million thanks to my editor Salve Asis at kina Judy, Lanie, Mr. Al Pecloche, Startalk & Star Awardee Best Male TV Host Ricky Lo, Ms. Susan Roces-Poe, Ronald Constantino, mga big bossing ng PSN/PM, QC Mayor Herbert Bautista, PhilHarmonics Orchestra under Maestro Gerard Salonga, Teacher Annie Quintos, The Company, Airtime Marketing, at Kuya Germs ng Walang Tulugan with the Master Showman.
Hindi man nabanggit ang name ninyo sa kakulangan ng espasyo, kasama kayo sa mga pinasasalamatan namin kabilang pa rin ang lahat ng donors sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Christmas Party. Muli, Merry Christmas and a very prosperous & healthy New Year!
- Latest