Panonood ng Praybeyt Benjamin dusa! Bimby lumabas ang pagka-brat, Alex OA ang kaartehan, buhok ni Richard Yap hindi nagulo kahit nakikipaglaban na
Allow me, Salve A., to make kuwento of what I had to go through, mapanood lang ang much-publicized top grosser for the past three days of the ongoing Metro Manila Filmfest (MMFF), The Amazing Praybeyt Benjamin.
Aaminin ko na mali ang desisyon ko na panoorin ang movie on its second day. At sa Gateway pa mandin. Five p.m. nang magsimulang pumila ang aking assistant na si Dang, para makabili (yes, buy ng dalawang ticket).
May magagawa ka pa ba, when a glance at the tickets, you discover na ang timeslot na na-assign sa ’yo is 7:45 p.m?
God, you gnash your teeth.
Suggestion kay Dang, umuwi na lang kami.
Katuwiran niya: ‘‘Nandito na rin lang tayo, wait na tayo. Sayang din ang ibinayad natin.’’
Wow, walang maupuan, habang naghihintay, bago muling pumila (na mas mahaba pa kesa pila sa MRT), papasok sa sinehan.
Magkape tayo, suggestion coming muli from Dang. Para nga naman may maupuan.
After ilang tasa ng kape, hayun at may go signal na ang usherette na puwede nang pumila, para makapasok na sa Cinema 3, where showing ang Praybeyt…
At heto na naman ang siste. The seats assigned to us was in the third row of the three front seats sa ibabang-ibaba ng sinehan. Kaya kailangang nakatingala ka throughout ng panonood mo ng pelikula.
It’s worth it naman dahil kahit sa dusang aming tiniis para mapanood ang movie, well, we’d say, naaliw kami. For us, ito ang pinakanakakatawang pelikula ni Vice Ganda.
Convinced kaming Richard Yap can now be assigned comedy and action roles. Kesehodang all throughout na nakikipag-fight scene siya, ‘di man lang nagusot ang kanyang well-pressed military uniform. Nor nagulo man lang ang kanyang well-combed hair. Yes, in all his action scenes in The Amazing…
I Love Bimby (Aquino Yap) here. Although, may pagka-bratty siya. Which seems to be his signature na pag-arte.
How about Alex (Gonzaga)?
OA siya as usual, to the max. But her role calls for it. Kaya, forgive na natin siya.
As usual din, agaw-eksena si Kris (Aquino) in her guest role sa movie. Who else nga naman can play the role of Bimby’s Mom, na kasing effective niya.
If we think The Amazing Praybet… deserves a Part 3, why not? As we noticed, not only adults like us enjoyed watching the movie, but their mga karay na mga bata.
Kaya congrats Star Cinema. Congrats, Direk Wenn (Deramas). You deserve getting your much-needed rest in Singapore, no less, with your current Mr. Kilig.
Pagiging galante ni Sen. Bong na-miss ngayong Kapaskuhan
Missed ‘di lang ng kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan, kundi ng members ng entertainment media si Senator Bong Revilla.
Na-miss nila ang pagpapahalagang ibinibigay sa kanila ng magiting at mabait na politician-actor, lalo’t sa mga okasyong tulad ng Pasko. He makes it a point to organize a party, may entry man siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) o wala. As he said, ang importante, nagkatipun-tipon at nagkasama-sama tayo.
And in every gathering he organized, he makes sure na may raffle galore. At kahit ‘di ka win, ‘di ka niya papayagang umuwi ng luhaan, kumbaga.
No wonder na dalangin nila, mapatunayan na wala talaga silang pagkakasala ni Senator Jinggoy Estrada nang muling masabi, lalo’t ng mga taga-showbiz, na happy days are truly here again.
- Latest