^

Pang Movies

Pelikulang Vilma at Nora malabong patulan ng mga sinehan?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano, mayroon pa bang gagawa ng isang Nora-Vilma mo­vie sa panahong ito? Palagay naman namin wala na dahil ibang era na sa ngayon. Isa pa, ano na naman ang sasabihin ng mga producer ng pelikula na ang script ay nakapila sa opisina ni Governor Vilma Santos, na ni hindi niya masimulang gawin dahil sa dami ng kanyang trabaho? Maski nga iyong pelikulang gagawin sana nila ni Angel Locsin, na napagkasunduan na ang lahat, kailangang maghintay ng susunod na taon dahil busy si Ate Vi. Ni hindi nga nila masimulan ang shooting, dahil baka nga kung simulan nila iyon, tapos maipit ng mara­ming trabaho si Ate Vi, eh ‘di sayang ang na-shoot na.

May isa ngang film producer na nagsabi sa amin, hindi na raw siya magtatangkang mag-alok ng pelikula kay Ate Vi, hanggang sa pagkatapos na ng 2016, dahil alam niya magiging masyado iyong busy, at hindi man kumandidato ulit kagaya ng sinasabi niya, tiyak busy pa rin sa eleksiyon. At papaano nga kung mapilitan siyang tumakbo sa mas mataas pang posisyon? Kung mangyayari iyon, sorry na lang sa mga Vilmanians pero siguro nga, mas malabo na iyong pangarap nilang mapanood na muli ang kanilang idol sa isang pelikula apat na beses isang taon, kagaya noong araw.

Kung kami ang tatanungin ni Ate Vi, bagama’t hindi naman kami kasama sa kanyang mga career consultants, kung dapat ba siyang gumawa ng isang Vilma-Nora project kagaya noong araw, ang tiyak na sasabihin namin ay huwag na. Nagkasama na sila sa pelikula noong araw eh, at maliwanag naman na mas marami silang ginawang pelikulang mas malaki ang kita kaysa sa pelikulang magkasama sila. Mayroon pa kasing isang factor diyan eh, may mga fans na gusto mang mapanood ang idol nila sa pelikula, ayaw naman nilang mapanood ang kalaban nito. Ang ending, hindi na lang nila pinanonood ang pelikula.

Isa pa, magkaibang genre naman ang mga pelikulang ginagawa ni Ate Vi at ni Nora Aunor. Si Ate Vi, lahat maliban sa isa ay puro mga mainstream movies ang ginagawa. Si Nora simula nang magbalik, puro indie lang ang project. Saan mo naman sila pagsasamahin, sa isang main stream movie o sa isang indie? Ang isa pang tanong, papatulan ba ng mga sinehan ito? Kung sabagay, lahat naman ng mga pelikula ni Ate Vi nailalabas sa mga sinehan, pero i-consider naman ang casting.

Basta kung kami ang tatanungin, huwag na lang gumawa ng ganyan. Busy si Ate Vi eh.

Kim namigay ng Pamasko, madalas dumayo sa lugar ng mahihirap

Nagulat kami nang may magbalita sa amin na nakita raw ang aktres na si Kim Chiu sa Isla Pulo sa Navotas. Lugar iyan ng mga mahihirap. Marami riyan ang informal settlers. Pero pinili ni Kim na magpunta roon at mamigay ng Pamasko. Nagulat kaming lalo sa kuwento na hindi lang pala ngayon iyan. Matagal na pala niyang ginagawa iyan, at ngayon dahil mas sikat na siya, at mas malaki na ang kita, mas marami pa siyang nabigyan ng Pamasko.

Natutuwa kami sa mga taong ganyan, na nagpapahatid ng kahit na munting kaligayahan sa mga taong “hindi nila pinakikinabangan” kung panahon ng Pasko. Ibig sabihin, talagang taos sa puso ang kanyang kagustuhang makapagbigay kahit na kaunting kaligayahan lamang doon sa mga walang-wala.

Iyong kahit na isang kilong bigas, ilang pirasong de lata at iba pa, ay napakalaking kaligayahan para sa isang mahirap, dahil na­ngangahulugan iyon na mayroon na silang pagsasaluhan sa araw ng Pasko. Maraming kung araw ng Pasko ay kailangan pang mamalimos para may makain. Kaya nga nakakatuwa ang mga kagaya ni Kim na hindi na naghihintay na may kumatok pa sa kanyang bahay, o sa salamin ng kanyang sasakyan, kundi nagtutungo pa mismo sa lugar ng mga mahihirap at naghahandog ng kanyang tulong.

vuukle comment

ATE

ATE VI

ISANG

KUNG

NAMAN

PAMASKO

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with