^

Pang Movies

Kahit ninang pa Manay Lolit magtsi-tsinelas lang sa kasal nina Marian at Dingdong

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinakiusapan ang mga dadalong babae sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na iwasan na magsuot ng kulay puti. Preferred ng namamahala sa kasal na kulay pula ang suot ng guests.

Isa kami sa nabigyan ng wedding invitation nina Dong at Yan. Collector’s item ang dating nito na black and red ang kulay. “This is the story of a girl born in Madrid and a boy who hails from Manila…” ang nakalagay pagbukas ng imbitasyon.

Sa gitna ng invitation, nakalagay ang, “She grew up praying to meet the man of her dreams. He grew up dreaming to meet the woman of his prayers. One day, the universe conspired to make them meet and together they decided to make the story complete.

“Soon our pages will turn as the day marries the night. Please write with us this new chapter on the day…We unite.”

Walang oras ng kasal na nakalagay. Tanging ang oras ng reception sa The Arena ang na-print. Siyempre, for security reasons dahil present si President Noynoy Aquino sa wedding bilang Witness of Honour. Kaya naman limitado lang ang puwedeng makapasok sa simbahan at magbibigay na lamang ng pictures sa gustong mag-cover ng sagutan ng, “ I do!” nina Dong at Yan Yan.

Ilan sa principal sponsors na taga-showbiz ay ang mag-asawang Ogie Alcasid at  Regine Velasquez-Alcasid,  Sharon C. Pangilinan, Kris Aquino, Gov. Vilma Santos-Recto, Celia Rodriguez, Mother Lily. Atty. Felipe L. Gozon, Jimmy Duavit, Celia Rodriguez, Manay Lolit (na tsinelas pa rin daw ang isuuot!), Lilybeth Rasonable, Helen G. Sotto, Tony Tuviera, Mac Alejandre, Wilma Galvante, Ben Chan, Wilson Tieng, Perry Lansingan, German Moreno, at Vic Sotto.

Ang mga kaibigan na sina Ann Roxanne Barcelo at Ana Feleo ang showbiz na maids of honor ni Yan Yan  habang non-showbiz naman ang best men ni Dingdong. Take note na 37 lahat ang bumubuo ng groomsmen at bridesmaid, huh!

Sina AiAi delas Alas at Gabby Eigenmann ang nakatoka sa veil habang ang couple na sina Richard Gomez at Rep. Lucy Torres-Gomez ang sa candle. Magkatuwang naman sina Sen. Bam Aquino at KC Concepcion sa cord.

After Christmas, ang Dantes-Gracia nuptial ang pinakaaabangang event sa showbiz sa December 30, huh!

Artista mangmang sa current events, walang alam sa pagdating ni Pope Francis sa ‘Pinas

Hindi namin alam kung insensitive o talagang walang alam ang ilang artista sa nangyayari sa ­ating kapaligiran. Hindi porke artista ka, sikat man o hindi, ay licensed na para huwag alamin ang current events, huh!

Okey lang ‘yung walang alam ang artista sa international current event. Pero Diyos ko naman, ang walang knowledge sa isang mala­king event na mangyayari sa bansa ay isang katangahan na, huh!

Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, pinaghahandaan ng bansa ang pagdating ni Pope Francis (na kagaya ng aming first name, huh!). May countdown pa nga sa pagdating sa bansa ng Santo Papa.

Pero may mga artistang hindi alam na darating si Pope Francis sa ating bansa. Natanong kasi ang ilang artista kung ano ang gagawin niya pagdating ng Santo Papa.

“Ha? Darating ba siya (Pope Francis)?” tanong ng isang artista. Sarap sampalin ng sagot, ‘di ba?

Kahit ganun kaaligaga sa trabaho ang sinumang artista, dapat din niyang alamin ang current events dahil nasasalamin sa pagkatao nila kung may alam siya o bobita, huh!

Sen. Bong nakaka-miss

Nakaka-miss din ang yearly Christmas party sa press ni Senator Bong Revilla, Jr. na pagtanaw niya ng utang na loob sa press na nakatulong sa kanyang pag-aartista at pagiging pulitiko.

Napasyal kasi kami sa Max’s sa SM Megamall last week. Doon kasi niya madalas gawin ang Christmas party bago ang premiere ng festival movie niya.

Siyempre, may lungkot ang press sa pagkaka-detain ngayon ni Sen. Bong sa Camp Crame. Ito ang Pasko niyang pinakamalungkot dahil sa sitwasyon niya ngayon. Eh, na-deny pa ang petisyon na makapagpiyansa kaya sa Crame talaga siya magdadaos ng holidays.

Gayunpaman, tiyak na marami ring dadalaw kay Senador Bong upang samahan siya sa pagdaraos ng Pasko at Bagong Taon.

AFTER CHRISTMAS

ANA FELEO

BAGONG TAON

CELIA RODRIGUEZ

PASKO

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

YAN YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with