^

Pang Movies

Mga make-up artist binibIktima ng manlolokong aktres

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Malungkot ang kuwento ng friend namin na ang sister ay make-up artist ng isang sikat na actress sa katatapos na soap nito sa isang big network. Ang sweldo niya per taping day, ay binabawasan pala ng management ng actress. Pinalagpas na raw lamang iyon ng make-up artist dahil gusto naman nito ang ginagawa, ang pagandahin ang actress. Tinanggap pa ng make-up artist na siya muli ang mag-make-up sa actress sa isang movie na ginawa nito dahil ten shooting days lamang naman sila. Ang usapan babayaran siya after the shooting at ang actress ang magbabayad sa kanya. Pero matagal na silang tapos but until now hindi pa siya binabayaran ng management ng actress dahil hindi pa raw sila binabayaran ng producer.

Kinausap daw ng make-up ar­tist ang actress tungkol sa suweldo niya pero dedma lamang ang actress, ganoon din ang management nito. At nalaman na lamang ngayon ng make-up artist na ganoon pala ang ginagawa ng management ng actress, dedma na lamang kapag tapos na ang trabaho sa kanila Kaya raw pala walang nagtatagal na make-up artist sa actress, papalit-palit siya tuwing may bagong project. Natutunan na raw ng make-up artist ang leksyon kaya never na siyang babalik muli sa actress.

Alonzo parang robot na de susi ni Bossing Vic

Ginagawang playground nina Ryzza Mae Dizon at Alonzo Muhlach ang The Ryzza Mae Show bago ang Eat Bulaga. At join na rin si Alonzo sa segment ng EB na Laban o Bawi to promote their entry sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25, ang My Big Bossing. Natutuwa si Vic na parang robot na sinususian si Alonzo basta nakarinig ng music. Kaaliwan na ni Vic ang mga bata, kaya naman simula pa lamang nang gumawa siya ng pelikula intended for the MMFF, ang target audience niya ay mga bata na gusto niyang mapasaya sa Kapaskuhan. Nakilala nga ang character ni Enteng Kabisote sa movie nilang Okay Ka Fairy Ko! at simula noon, sinabi nang may Midas Touch si Bossing dahil sa ilang taon na ng franchise nito, lagi silang box-office sa MMFF. Last year, sinimulan nga niyang gamitin ang paboritong itawag sa kanyang ‘Bossing’ nang gawin niya ang My Little Bossings kasama sina Ryzza Mae at Bimby Aquino Yap. Ang said movie ang naging top box-office grosser in the 2013 MMFF hanggang sa magtapos ang festival noong January 7, 2014.

At simula sa December 25, mapapanood ang bago niyang franchise movie na My Big Bossing, ang largest budget movie in the MMFF na magtatampok sa tatlong episodes na Sirena, Taktak, at Prinsesa directed ng tatlong mahuhusay na director, sina Tony Y. Reyes, Marlon Rivera, at Bb. Joyce Bernal, respectively. Bukod kina Vic, Ryzza Mae, at Alonzo, tampok din sina Marian Rivera, Nikki Gil, Pauleen Luna, Jose Manalo, Wally Bayola, Manilyn Reynes, and Niño Muhlach. Para lalong mapaganda ang movie, gumamit sila ng mga special effects at computer generated images (CGI). Collaboration ito ng tatlong malalaking production company, ang M-Zet, OctoArts, at APT Entertainment. Magkakaroon sila ng red carpet premiere night sa December 21 sa SM Megamall Cinema 10. Sasakay naman sa float ang buong cast sa parade of stars sa December 23.

vuukle comment

ACTRESS

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BIMBY AQUINO YAP

BOSSING VIC

EAT BULAGA

ENTENG KABISOTE

JOSE MANALO

MY BIG BOSSING

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with