^

Pang Movies

Derek malabo pang malaos!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Parang masyado naman yatang unfair iyong mga hindi magagandang comment laban kay Derek Ramsay na lumalabas sa mga social networking sites lately. Una, sinasabing dahil hindi na raw siya masyadong visible kagaya noong araw, “laos na siya”. Palagay namin unfair ‘yan dahil una, isipin natin bakit nga ba hindi na siya masyadong visible.

Una nga siguro, hindi talaga nagustuhan ng kanyang dating home network kaya wala man silang sinasabi talagang ipit si Derek. Maski na may mga pelikula si Derek, at kahit pa sabihing ang kasama niya ay mga artista ng dati niyang network na hindi naman maiiwasang mag-promote ng kanilang pelikula, may instructions na silang hindi dapat banggitin ang pangalan ni Derek.

May nangyari pa nga eh, ‘yung pelikulang Janitor na ginawa ni Derek ang ipina-distribute sa Star Cinema, kailangang alisin ang picture at pangalan ni Derek pati na sa advertising lay out ng pelikula. Hindi rin nila mabanggit maski sa kanilang promo na kasali si Derek sa pelikulang iyon. Wala namang kahit na anong reaksiyon si Derek. Basta sa kanya, ginawa niya nang maayos ang trabaho niya.

Ngayon, maski na ang kanyang pelikulang English Only, Please, hindi puwedeng banggitin sa kanyang da­ting home network. Kasi nga banned pa rin naman siya. Tapos nasa kabilang network din naman ang kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado. Pero mukhang maaayos na ang problemang iyan dahil sinasabi ngang may negosas­yon para gumawa siya ng isang pelikula sa film outfit ng ABS-CBN.

Isa lang iyan sa mga problema kung bakit hindi nga siya masyadong visible, na sinasabi naman ng kanyang mga basher na ang dahilan ay laos na siya.

Ikalawa, ilang buwan din namang pinili ni Derek ang manahimik dahil sa isinampang mga kaso laban sa kanya ng babaing pinakasalan niya noong araw. Masama man ang sinasabi laban sa kanya, ayaw naman niyang makipag-gantihan dahil sa paniniwalang maaapektuhan lalo ang kanyang anak.

Pero kung sasabihin ninyo sa amin na mababa na ang popularidad ni Derek? Hindi ‘yan totoo.

Mga ipinagawang bahay ng GMA, hindi natibag ng Ruby

Masaya ang lahat sa ginanap na Christmas party para sa press ng GMA Network. Wala ang malalaki nilang stars, pero hindi kakulangan iyon eh. Sabi nga ng kanilang CorpCom head na si Angel Javier, sinadya iyon para for once, ang mga press people naman ang maging tunay na stars ng okasyon.

Maliwanag din naman ang Pamasko ng GMA Network sa sambayanang Pilipino. Malaki ang nai­tulong nila sa mga biktima ng Yolanda, at take note ang mga ipinagawa nilang bahay para sa mga nasa­lanta ng Yolanda ay hindi nasira ng bagyong Ruby. Iba ang gumawa noong mga housing na nasira din ng bagyong Ruby. Mabilis din silang tumulong sa mga bagong biktima ng bagyong Ruby at biktima ng iba pang mga kalamidad. Iyan ay bukod sa paghahatid nila ng pinakahuling pangyayari sa kanilang mga balita, at mga nakakaaliw na mga palabas sa telebisyon.

Masaya ang party na iyon, at talagang mapapansin mo ang importansiyang ibinigay nila sa lahat.

Nagbigay sila ng T-shirts, at isusuot namin iyon.

ANGEL JAVIER

DEREK

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

JENNYLYN MERCADO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with