Mayor Herbert maglaladlad sa Pride March!
Bongga ang presentation sa pormal na pagbubukas ng Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) na ginawa sa activity center ng Trinoma Mall last Monday, December 8. Maganda ang stage decors complete with LED chairs sa pamamahala ni Eloisa Matias na kilala na sa pamamahala sa mga ganoong events. Sa kabila ng pagbabadya ng bagyong Ruby sa Metro Manila, dumating ang mga representative ng 14 international movies na kalahok sa pink festival plus ng mga mga pelikulang gawa rito sa atin na lahat ng tema ay tungkol sa gays, lesbians, and transgenders. Sa pangunguna ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, dumalo rin ang mga Quezon City Councilors at heads ng iba’t ibang department na sama-samang sumusuporta sa event.
Nag-perform ang mga dancers ng Club Mwah ni Pocholo Manlillin, may song numbers naman sina Sam Concepcion at Morisette Amon. Si Second District Councilor Roderick Paulate ang nagbasa ng posthumous citation of recognition para kay Ace Comedian Dolphy na siyang nagbukas ng awareness ng mga tao tungkol sa mga LGBT in 1954 sa pamamagitan ng pelikulang Jack and Jill nila ni Lolita Rodriguez.
Dahil sa bagyo, hindi nakarating si Direk Eric Quizon na manggagaling ng Hong Kong para tanggapin ang award. Nagpasalamat sina Direk Soxy Topacio at Nick Deocampo kina Mayor Herbert at Vice Mayor Joy Belmonte sa full support nila sa QCIPFF. Bago natapos ang opening night, sa piling ng lahat ng mga officials na dumalo at mga representative ng LGBT community, Mayor Herbert declared the official opening ng festival na nagsimula na kahapon, December 9 hanggang sa December 17.
Lahat ng pelikula ay ipalalabas na uncensored sa mga Trinoma Cinemas at P100 lamang ang admission price. Magkakaroon ng LGBT Gay Pride March at QC Memorial Circle sa December 13 na lalahukan ng iba’t ibang barangay ng QC in colorful floats and costumes. Biniro namin si Mayor Herbert kung may alam siyang mag-a-out sa Gay Pride March, siya raw at pabirong nagbakla-baklaan. May nag-take advantage ba sa kanyang bading noong kabataan niya? Wala raw naman, kasi ang mga niligawan niya noon at mga naging girlfriends niya ay medyo may pagka-tomboyish. Nagkatawanan ang mga press nang sabihin sa kanyang mag-name-names sila, sagot niya, huwag na raw lamang.
Rocco may dapat panagutan kay Sheena
Maraming natuwang fans ng former sweethearts na sina Rocco Nacino at Sheena Halili, nang bago natapos ang Monday night episode ng Hiram na Alaala na nagtatampok din kina Dennis Trillo, Kris Bernal, at Lauren Young, ay biglang nag-appear si Yasmin (Sheena) sa bahay ni Otep (Rocco) at sinabing hinanap niya ito dahil kailangang panagutan siya, buntis pala si Yasmin. Akala kasi ng mga tagasubaybay, after makatakas si Otep kay Yasmin na ayaw siyang pabalikin sa Baguio, ay tapos na rin ang eksena ni Sheena. So, may aabangan na naman ang mga fans dahil magkakaroon ng love scene sina Otep at Yasmin. Makalimutan kaya ni Otep si Andeng (Kris) ngayong binalikan siya ni Yasmin? Napapanood ang Hiram na Alaala pagkatapos ng Strawberry Lane.
- Latest