Daniel aminadong laging nakikita ang ‘naka-one night stand!’
Kahapon ay nagkaroon ng presscon ang mga lalaking bida sa Shake, Rattle and Roll XV na sina Daniel Matsunaga (Flight 666), JC de Vera (Ahas), Dennis Trillo (Ulam) at Matteo Guidicelli (Flight 666). Sa fans na fans pa lang ng apat na ito, makakasiguro na tayo ng pagiging hit ng pelikula dahil lahat sila ay pawang may malalaking hukbo ng fans.
Sa apat na lead actors, hindi na bago kina Dennis at JC ang paggawa ng horror films pero may challenge pa rin daw sa kanila ang mga bagong episodes sa SR&R lalo na nga ang huli na nakipaglaban sa dambuhalang ahas.
Kaabang-abang nga raw sa Ahas episode ang matinding fight scene ni JC sa ahas na ikinawindang daw talaga ng aktor.
Si Matteo naman ay super-excited dahil first SR&R daw niya ito at first filmfest movie pa. Ang dusang inabot niya sa shooting ay nagkasugat-sugat daw siya at napilayan pa dahil sa tindi rin ng mga eksena.
First Shake, Rattle & Roll din ito ni Daniel at masayang magtatapos ang kanyang 2014 dahil sa nasabing pelikula at sa marami pang blessings na dumating sa kanya this year.
Sa presscon ay nabanggit ni Daniel na nabigyan na siya ng permanent residency sa ating bansa kaya naman doble at triple pa nga ang kanyang saya. Ang next wish naman niya ay maging Filipino citizen na talaga pero masyado raw itong ma-proseso kaya for now ay masaya na raw siya na permanent resident na siya.
May bagong pinagpipistahang issue ngayon kay Daniel at ito ay ang post ng isang girl ng pictures na kasama siya at nagsabing naka-one night stand siya nito.
Kaya naman nilinaw ito ng entertainment press sa Big Winner ng Pinoy Big Brother All In at aniya, hindi raw ito totoo.
“I take pictures with a thousand of people and this kind of tsismis always gonna happen as part of showbiz and I just have to go with it,” say niya.
Kahit sino raw ang magpa-picture sa kanya ay pinagbibigyan niya at kahit may ganito pang intrigang lumabas, ganito pa rin daw ang magiging attitude niya sa lahat ng magpapa-picture sa kanya.
“I’ll never say no. Sa akin, okay lang. Never arte. Kasi they are the ones who put me where I am today, ‘di ba? And because of this support, because of everything they have done for me, especially sa loob ng PBB, ‘di ba? Nahirapan ako talaga for almost 4 months, and siyempre you feel all the love of each person here sa labas, para sa akin ‘di ba, everybody who have voted for me and everything, so for me, it’s just a way of giving it back to them. I’m very happy and I would never say no to a picture,” paliwanag ni Daniel.
Madalas daw niyang makita ‘yung girl pero hindi niya raw personal na kilala. Hindi rin niya alam kung fan or supporter niya ito.
Kung magpapa-picture raw sa kanya ulit ‘yung girl, papayag pa rin daw siya.
Matteo: hindi na kami hinihigpitan ni Mommy Divine kay Sarah
Si Matteo naman ay natanong kung sila ba ni Sarah Geronimo ang tinutukoy sa blind item na isang singer/actress na binibigyan ng load ng boyfriend dahil ipina-prepaid daw ng parents ang telepono nito para malimitahan ang pakikipag-usap sa nobyo.
Bale ba ay umalis ng bansa si Matteo kaya marami ang naghinala na baka sila ang tinutukoy sa BI.
“Wrong blind item po, hindi kami ‘yun,” natatawang sabi ni Matteo.
Pero nilinaw din niyang wala namang masama kung bigyan ng boyfriend ng load ang girlfriend kaso hindi raw talaga totoo.
“If it’s true, I’ll say it’s true but no, it’s not true, hindi totoo,” natatawa pang sabi ni Matteo.
Pero hindi naman sila nililimitahan ng parents ni Sarah na makapag-usap?
“Ah, no naman, she’s 26 and I’m 24, mga adults na kami,” he said.
Ano ang feeling nila na parati silang subject ng blind items
“Ah wala naman. They can make blind items and if it’s true, maapektuhan tayo and if it’s not, wala naman,” say pa ng aktor.
Napag-uusapan din ba nila ni Sarah ang mga intriga sa kanila?
“Hindi naman masyado. There’s more positive people. People out there inspire us to have a strong relationship, ‘di ba? Mas maraming positibo kaysa negatibo, ‘di ba? Always good vibes,” say pa ng aktor.
When asked about his Christmas plans, aniya ay sa Cebu raw siya magpa-Pasko with his family. Hindi pa raw niya alam kung paano naman ang celebration nila ni Sarah pero siyempre, bilang dutiful boyfriend, he’ll find a way para maisingit ito.
- Latest