Korina pinag-initan sa birong sa Japan na lang tumama ang bagyo
MANILA, Philippines – Nabigyan na naman ng negative reaction ang komento ni Ms. Korina Sanchez sa wrap up ng TV Patrol kung saan nagbitaw siya ng salita na sana sa Japan na lang tumama ang bagyong Ruby at kaya raw naman nila.
Hindi naman siguro seryoso si Korina sa statement na iyun dahil parang in jest lang naman nagsasalita sila ni Noli de Castro na sana hati ang Japan at Pilipinas na maranasan ang bagyo at doon sinabi ni Korina na sa Japan na lang lahat. Gayun pa man, siguro kailangan ingatan nila o isipin ang bawat sinasabi lalo na sa harap ng camera na maraming nanonood. Alam mo naman ang mga tao ngayon, kaunting makitaan ka ng nega ay agad ipo-post sa social media kung saan maraming mapanghusga kahit hindi nila nasaksihan ang mga pangyayari at kung makapanglait ay parang sila ang naapektuhan gayung pinagbibintangan pa lang.
Christmas ginugulo ng bagyo
Wish ko na safe ang lahat sa bagyong Ruby or Hagupit. Christmas season na ay ayaw pang paawat ng kalamidad. Kaloka ang mga bagyong ito.
Siyanga pala our deepest condolences sa maagang pagyao ng kasamahan sa panulat na si Dinno Erece na namatay nung December 7. Ang mga labi niya ay nasa Funeraria Paz sa Sucat, Parañaque. Kung hindi kami nagkakamali ay nasa bukana ito ng Manila Memorial Park. Muli ang aming pakikidalamhati sa pamilya ni Dinno.
Mga taping kanselado lahat
Cancelled lahat ang mga taping ng mga programa sa telebisyon dahil sa bagyong Ruby. Apektado lahat huh pati mga caroling schedules namin. Gayun pa man ay tuloy ang Christmas spirit habang abala ang mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa disaster control management. Hindi naman ganoong kalakasan kaya hindi pa involved ang buong sambayanan sa bagyong ito.
Ang binabantayan muli ay kung aling network ang mas makakapagbigay ng buong detalye sa kasagsagan ng bagyo at nakita na natin ang mga newscaster na nakalusong sa mga baha at matapang na binabantayan ang mga kaganapan sa lokasyon ng pagbabagsakan ng bagyo. Ganyan sila kaseryoso sa mga trabaho at lagi nilang sinasabi na In The Service of the Filipino. Talbog!!!!
Eugene totoong in love na kay Jose?!
Nagulat man si Eugene Domingo sa pagkakaroon ng boyfriend ng kaibigan na si Ai Ai delas Alas ay happy naman siya for her. Hindi na raw dapat pinag-uusapan ang edad ng karelasyon. Ang importante raw ay kung saan ka masaya at nagbibigay ng inspirasyon. Nasa edad na rin naman daw ‘yung lalaki at okay na raw yun. Basta happy daw ang host ng Celebrity Bluff sa kaibigan.
Siya naman daw ay hindi babagsak sa mas bata sa kanya dahil mas gusto raw niya ang older man na binebaby siya. Kaya sa tanong na puwede sila ni Jose Manalo na magkainlaban ay wala naman daw impossible. Meaning puwede naman. Pero sa ngayon ay mas tinututukan nila ang Celebrity Bluff ng GMA 7 na namamayagpag sa ratings kaya hindi ito naka-cancel at tuloy-tuloy lang sa ere.
- Latest