Jennylyn ayaw na uling magdala ng sama ng loob
Kamakailan ay umani ng positive feedbacks ang ipinost ni Jennylyn Mercado na larawan kasama ang fiancé ni Patrick Garcia na si Nikka Martinez. Sa nasabing photo ay makikita silang dalawa na magkatabi at kandong ang kani-kanilang anak sa aktor.
Si Alex Jazz ang baby ni Patrick kay Jen at si Chelsea naman ang anak nila ni Nikka.
Ang nasabing larawan ay pagpapatunay na talagang maayos na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Patrick at ng magiging asawa nito.
Sa panayam kay Jen sa Tanduay launch niya as the new calendar girl, natanong sa aktres kung paano nangyari ang pagkikita nilang ‘yun ni Nikka.
“Ayoko nang ikuwento kasi siyempre, personal na namin ‘yun. Ang importante, okay na kami, masaya na ‘yung both sides, ‘yung family namin, family ni Patrick, and happy ako na nangyari ‘yan kasi hindi ko naman siya hiningi, hindi ko siya inantay, bigla na lang siyang dumating, binigay sa akin, so I’m very glad, I’m very thankful na nangyari ‘yun talaga.
“Kasi ‘di ba, ang hirap na may dala-dala kang sama ng loob. So ngayon, wala na talagang problema,” sabi ni Jen.
Maganda rin ang relasyon ng magkapatid na Jazz and Chelsea.
“Okay naman, masaya sila kapag nagkikita sila. Ang cute-cute nilang tingnan,” masayang sabi pa ni Jen.
Samantala, isa pang pinag-uusapan kay Jen ngayon ay ang 10-second teaser niya para sa pelikulang English Only, Please kung saan ay makikitang nakapila siya sa sakayan ng bus at sinigawan ang konduktor ng “Oo na, ako na! Ako na mag-isa!”
Sobrang nakaaaliw ang nasabing scene na binansagang “Ako na Mag-isa” scene at ngayon ay viral na sa net. Sa Facebook ay umaabot na sa 1.6 million ang likes nito. Ang English Only, Please ay Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films kung saan ay first time magtatambal nina Jennylyn at Derek Ramsay.
Azkals player pinasok na rin ang showbiz Curt Dizon type si Liza Soberano
Pumirma sa Viva Artists Agency (VAA) ang 20-year-old Azkals player na si Curt Dizon last December 3. Kaya ang unang tanong sa kanya ng reporters na naroroon ay kung iiwan na ba niya ang Azkals at mag-aartista na.
Say ni Curt, hinding-hindi niya igi-give up ang pagiging football player anuman ang mangyari.
“Being a football player has always been my dream. It’s basically my profession but I am open to acting if the right project comes along,” he said.
Basta raw kung may dumating na showbiz project, as long as hindi makakaapekto sa kanyang schedule as football player ay okay sa kanya.
“Football will always be my priority,” he said.
Bagama’t hindi pa masyadong marunong mag-Tagalog, si Curt ay Pinoy na Pinoy dahil parehong Pilipino ang kanyang ama at ina. Lumaki siya sa London kaya naman medyo hirap siya sa Tagalog pero nakakaintindi naman siya at nakakapagsalita, slang nga lang.
Pati ang kulay niya ay very Pinoy dahil moreno siya. He stands 5’11” at take note, siya lang ang Azkals player na ikinontrata ng Viva, so that means, may nakitang promise sa kanya ang kumpanya.
What made him decide to enter showbiz?
“I believe that in life, you have to experience different things if you really want to get the best out of it,” say niya.
Sa ngayon ay nakatakda pa raw silang mag-meeting ng VAA kung ano ang mga projects na gagawin niya at aniya ay excited siya.
“I’m just looking forward to learn working as an artist, experience new things. It’s a whole new scene.”
Wala pang masyadong kilalang artista si Curt pero pumukaw ng kanyang pansin si Liza Soberano at naging crush na niya mula nang mapanood ito sa She’s the One at Got to Believe. Ngayon ay pinapanood daw niya ang serye nito na Forevermore. Given the chance, gusto rin daw niya itong makapareha.
- Latest