Robin mas pinaboran ang MMFF kesa ipasyal ang mga anak
Sa idinaos na presscon ng Metro Manila Film Festival para sa walong entries ay nakakalungkot na wala ang mga bida ng mga pelikula. Tanging si Robin Padilla lang ang nakadalo.
Wala ang mga bida ng My Big Bossing pero andun naman sina Niño Muhlach at Alonzo. Wala rin ang mga stars ng Praybeyt Benjamin 2, Feng Shui 2, Kubot: The Aswang Chronicles 2, English Only Please, Magnum Muslim 357 at Shake, Rattle and Roll 15.
Nakakuwentuhan namin si Betchay na manager ni Binoe at sinabi nito na mas pinaboran pa niya ang trabaho kaysa magbiyahe nung araw na ‘yun kasama ang mga anak na darating mula sa Australia kung saan ipapasyal sila ni Robin sa Japan.
Ganyan ka-professional ang aktor at hindi pinabayaan ang presscon ng Metro Manila Film Festival para kumatawan sa kanyang pelikula. Naka-costume pa ito ng Bonifacio.
Ang Parade of Stars ay idaraos sa December 23 ala-una ng hapon na mag-uumpisa sa MOA at matatapos sa Quirino Grandstand.
Ang Awards Night naman ay gagawin sa Dec. 27 sa Plenary Hall ng PICC sa ganap na 7 ng gabi.
Sa taong ito ay ilulunsad din ang 16 entry sa New Wave section ng MMFF 2014 sa SM Megamall at Glorietta 4 cinemas mula Dec. 17 to Dec. 24 bilang panimula sa taunang mainstream festival na magbubukas sa Kapaskuhan.
Ang proceeds ng festival ay ibibigay sa MOWELFUND, Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board at Film Development Council of the Philippines.
Pasasalamat
Sa lahat ng tumulong para mapaganda at maging matagumpay ang 2nd Gintong Palad Public Service Awards noong November 29, 2014. Sa aming partner na Rotary Club of Intramuros sa pamumuno ni Architect Avett Garcia, kay Wilson Tieng at mga sponsors. Salamat sa aming performers na sina Miguel Castro at Filipino Pop Tenors, Faith Cuneta at ang host na si John Lapuz.
- Latest