^

Pang Movies

Kita ng MMFF 2014 nakasalalay sa epekto ng ‘Hagupit’

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Eight mainstream movies ang sabay-sabay na ipalalabas simula sa December 25, sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo; My Big Bossing; Shake, Rattle & Roll XV; Feng Shui 2; Praybeyt Benjamin 2; Magnum Muslim. 357; English Only, Please, at Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Ayon kay MMDA Chairman at Over-All Chairman ng MMFF, Atty. Francis Tolentino, nang i-present niya ang eight official entries na ginanap sa Sampaguita Gardens sa Valencia, Quezon City, naniniwala siyang muling tatangkilikin ito ng mga manonood katulad ng successful showing in the 2013 MMFF.

Hindi nagtagal si Chairman Tolentino dahil kailangan niyang bumalik sa meeting tungkol sa paghahanda ng buong bansa sa bagyong Ruby, kaya si Ms. Marichu Maceda, MMFF Execom ang sumagot sa tanong kung kaya bang pantayan ng this year’s MMFF ang box-office returns ng MMFF 2013. Inamin ni Manay Ichu na magdi-depend ito sa puwedeng mangyari sa bansa dahil sa bagyo. Lahat ng mga dumalo sa presscon, sa pangunguna ni Robin Padilla, ay nagdarasal na malampasan natin ang pagsubok na ito.

Ilan pa sa mga artistang dumalo ay ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach, Rufa Mae Quinto, Rez Cortez, Cai Cortez, Kean Cipriano, Len-Len Frial, Bernard Palanca, Rommel Padilla, Isabella de Leon, mga producer, at iba pang representatives ng bawat pelikulang kalahok.

Nagbigay na rin ng babala si Manay Ichu na dapat lahat ng artistang kasama sa isang pelikula ay sumakay sa float nila sa parade of stars at dumalo sa awards night sa December 27. Magkakaroon ng penalty ang bawat lead stars na hindi dadalo sa dalawang okasyon ng MMFF 2014.

Inihayag na rin na ang parade of stars ay gaganapin sa December 23, 1:00 p.m. na magsisimula sa Bradeo Ave­nue in Pasay City na magtatapos sa isang show sa Quirino Grandstand. Ang awards night ay sa December 27, 7:00 p.m. sa Plenary Hall of the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay City.

Dingdong nawala ang pagka-conservative kay Marian

Ano kaya ang pre-wedding gift ni Dingdong Dantes sa kanyang bride-to-be na si Marian Ri­vera sa final episode ng second season ng Ma­rian mamayang gabi, after ng Magpakailanman? May ‘naughty’ thing nga bang gagawin ang groom-to-be? Sa last dance kaya nila ito ni Marian bilang mga ­single pa? Kay Marian na rin namin nalaman na naging open na raw ngayon ang mapapa­ngasawa hindi tulad noon na may pagka-conservative ang actor. 

Mapapanood din sa show ang cove­rage ng Despedida de Soltera na ginanap noong December 3 sa Sampaguita Gardens.

Nagpasalamat si Marian sa lahat ng mga nakasama niya sa show, especially sa mga co-host niyang sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose, sa kanyang mga dancers at sa mga director ­niyang sina Louie Ignacio at Mark Reyes at sa mga tagasubaybay niya.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

ANG UNANG PANGULO

ASWANG CHRONICLES

BERNARD PALANCA

BRADEO AVE

MANAY ICHU

PASAY CITY

SAMPAGUITA GARDENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with