Pupunuin ang MOA Arena: Mga bisita nina Marian at Dingdong, mahigit 10,000!
Masaya ang bridal shower kahapon ng Belo Medical Clinic para kay Marian Rivera dahil sa parlor games na inihanda ng staff ni Dra. Vicki Belo.
Kung hindi ako nagkakamali, pang-anim na ang bridal shower ng Belo para kay Marian at masusundan pa ito dahil sa bridal shower na ibibigay ng Eat Bulaga Dabarkads na live na mapapanood ngayong tanghali.
Hindi marunong tumanggi si Marian kay pinagbigyan niya ang lahat ng mga nag-offer ng bridal shower.
Ikinuwento ni Marian na hindi sila tatanggap ni Dingdong Dantes ng wedding gifts dahil nag-request na lang sila sa kanilang mga ninong at ninang na mag-donate sa Yes Pinoy Foundation.
Kinumpirma rin ni Marian ang balita na magaganap sa Mall of Asia Arena ang wedding reception nila ni Dingdong.
Sa venue pa lang, may idea na tayo sa dami ng bilang ng invited guests sa wedding of the year.
Wala si Mama Vicki sa bridal shower para kay Marian dahil nasa New York pa siya.
Sa Lunes pa ang balik ni Mama Vicki kaya ang kanyang anak na si Cristalle ang punong abala kahapon sa bridal shower.
Walang umuwing luhaan mula sa bonggang event dahil sa raffle draw, courtesy of Mama Vicki and Marian.
Bago siya humarap sa altar sa December 30, pupunta muna si Marian sa Belo Medical Clinic para sa kanyang mga favorite procedure, ang Venus Freeze at Laser Hair Removal.
Highly recommended ni Marian sa mga bride-to-be ang mga affordable na procedure ng clinic ni Mama Vicki para maging Belo beautiful sila sa araw ng kanilang mga kasal.
Event ng OPM apektado ng pagragasa ng Ruby
May mga showbiz event na nakansela dahil kay Typhoon Ruby.
Hindi nga naman maganda na ituloy pa ang mga showbiz event kung sinasalanta ng kalamidad ang ating bayan.
Kabilang sa mga nakansela ang event ng OPM na magaganap sana ngayon sa Bonifacio High Street.
Nagdesisyon ang OPM na huwag ituloy ang OPM Music Festival dahil sa malakas na bagyo. Plano ng OPM na ituloy ang event sa January 2015.
Ala eh! kanselado rin
Kanselado rin ang isang event para sa Ala Eh Festival ng Batangas province.
Nagdesisyon si Batangas Governor Vilma Santos na huwag ituloy ang event na mangyayari bukas dahil pa rin kay Typhoon Ruby.
Ang Taal, Batangas ang venue ng Ala Eh Festival na nagsimula noong December 1 at matatapos sana sa December 8.
- Latest