Jennylyn hindi raw nagpapakatanga sa pag-ibig
Parehong loveless at single ang sagot nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa status nila sa presscon ng English Only, Please na entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Fetival (MMFF) na magsisimula na sa December 25 in cinemas nationwide. Pero nag-react si Jennylyn sa tanong kung muli siyang magpapakatanga sa pag-ibig. Ayaw daw niyang sabihing nagpakatanga siya kasi minahal daw naman niya ang mga naging boyfriends niya, hindi nga raw lamang natuloy. Pero sa mga pinagdaanan niya, natuto na siya. Kaya as of now, hindi pa siya ready makipagrelasyon dahil marami pa siyang dapat ayusin at tapusin.
As for Derek, ang ikinuwento niya, may communication pa rin sila ng dating girlfriend na si Cristine Reyes.
Light romantic comedy ang movie na idinirek ni Dan Villegas at ayon sa mga writers, tiyak na makaka-relate ang mga manonood dahil kinuha nila ang parts of the script sa mga friend nilang naka-experience ng mga ganoong eksena sa movie.
Alden ayaw patusin ang mga paninira
Wow, sikat na nga si Alden Richards dahil may mga tao nang patuloy na naninira sa kanya. Natawa kami nang mabasa namin na hindi raw pinagkaguluhan si Alden nang mag-attend ang young actor sa Hanoi International Film Festival sa Vietnam last week dahil hindi siya kilala roon. At kinawawa pa raw ang kanilang team kaya nakipagtarayan ang kanyang handler. Kilala naming mabait at tahimik ang handler ni Alden at alam naming hindi niya kayang makipagtarayan, lalo pa at nasa ibang bansa sila.
“Ayaw ko na po lamang pansinin iyon,” sabi ni Alden. “Siguro po, I am so blessed na sa mga nangyayari sa akin ngayon kaya ayaw ko na ng mga negative issues. Thankful po ako for the experience na nakadalo ako sa festival, with director Adolf Alix, Jr. to represent our entry, ang short film na Kinabukasan na first time kong nakatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor. Iyon po lamang na-nominate ako for best actor is honor enough for me, hindi man ako nanalo. Nagpapasalamat din po ako sa GMA dahil pinayagan akong makaalis sa taping ng Bet ng Bayan at first time ko ring nakarating sa Hanoi.”
Tom nagtitipid para mabayaran ang condo
Masayang-masaya si Tom Rodriguez na nakasama siya ngayon sa Walk of Fame ni German Moreno na ginanap sa Eastwood last December 1. Isa raw iyon sa Christmas gift niya sa sarili plus ang isang two-bedroom condominium unit na he is still furnishing right now. Hindi raw siya tumuloy pumunta ng Okinawa, Japan to be with his brother or sa U.S.A. to be with his family para mabili ang unit mula sa kinita niya.
- Latest