^

Pang Movies

Dingdong at Marian ayaw pa ring sabihin kung saan ang magiging pugad

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung alam na ngayon na sa SM Mall of Asia (MOA) ang wedding reception after ng wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30 sa Immaculate Conception Cathedral, ang lagi namang itinatanong sa dalawang ikakasal ay kung saan sila titira.

Ito rin ang itinanong ni Regine Velasquez-Alcasid kay Dingdong nang mag-guest ang Kapuso Primetime King sa kanyang Sarap Diva cooking show. Hindi ibinigay ni Dingdong kung saang lugar ang magiging bahay nila.

Parehong may sariling bahay sina Dingdong at Marian, pero mukhang hindi naman sa alinmang bahay sila tutuloy. Balitang may ipinagagawa nang bahay si Dingdong para sa kanila ni Ma­rian.

Naitanong din ni Regine kung bakit alam ni Dingdong na si Ma­rian na ang right girl for him.  Sa simula pa lamang daw, iisa ang gusto nila ni Ma­rian, ang magsimula ng isang pamilya at simula pa lamang nang ipakilala niya si Marian sa kanyang pamilya.

Ibang kasali sa New Wave entries ng MMFF, naipalabas na sa mga International Filmfest

Ini-launch na noong Sabado, November 29, ang 18 entries para sa 5th New Wave section ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre, sa Sequioa Hotel in Quezon City.

Narito ang complete list ng MMFF New Wave finalists:

Full Feature category: Gemini ng Black Swan Pictures directed by Ato Bautista; “M” (Mother’s Maiden Name), Eight films directed by Zig Dulay; Magkakabaung (The Coffin Maker), Ato Entertainment Productions directed by Jason Paul Lacsamana; Maratabat (Pride and Honor) ng Blank Pages Production directed by Arlyn dela Cruz; Mulat ng DVeut Productions, directed by Ma. Diana Ventura.

Student Short Films category: Kalaw ng Asia Pacific Film Institute; Kubli ng Far Eastern University; Siyanawa ng Southern Luzon State University (Main Campus); Bimyana ng De La Salle College of St. Benilde; Ang Soltera ng De La Salle Lipa at Bundok Chubibo ng University of the Philippines.

Animation category: Ah Maogmang Lugar ng Ateneo de Naga University; Cherry ng Yapt Studio; Gymsnatch ng School of Design and Arts, College of St. Benilde; Isip-Bata ng Alibata Productions; Shifter ni Jerico Valentino C. Fuentes.

Ilan sa mga pelikulang kalahok ay naipalabas na sa iba’t ibang international film festival abroad at tinanggap ito ng MMFF basta hindi pa sila naipalalabas sa local cinemas natin. At iyong mga nanalo na ng awards sa mga international film festival ay hindi nangangahulugan na sila rin ang mananalo sa awards night dahil iba naman ang jurors na huhusga sa kanila rito.

Lahat ng entries sa taong ito sa New Wave section ay mapapanood na sa Glorietta 4 at SM Megamall cinemas mula December 17 to 24. December 25 naman magsisimula ang 40th MMFF.

vuukle comment

AH MAOGMANG LUGAR

ALIBATA PRODUCTIONS

ANG SOLTERA

ASIA PACIFIC FILM INSTITUTE

ATO BAUTISTA

ATO ENTERTAINMENT PRODUCTIONS

BLACK SWAN PICTURES

NEW WAVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with