^

Pang Movies

Radyo5 may maagang Pamasko sa mga tagapakinig

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago pa man din matapos ang taon ay nakatanggap uli ng karagdagang parangal ang Radyo5 92.3 News FM sa kanilang Taxi Squad, ang nag-iisang news and talk radio station ng FM band sa buong bansa, kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-apat na anibersaryo. 

Sa kabila ng pagiging baguhan sa industriya ng Radyo5, hindi maikakailang agad-agad na tumatak ang iba’t-ibang mga programa at handog nito sa publiko. Ito ay muling pinatunayan kamakailan sa pinakabagong pag-aaral ng PSRC na Traffic Light: A Car Co-Incidental Study, kung saan lumalabas na sa pangatlong pagkakataon simula noong 2012 ay numero uno pa rin ang Radyo5 bilang most preferred radio station para sa mga PUVs. Dagdag pa rito, ang patuloy na pagtangkilik at pagtitiwala sa Radyo5 ng mga motoristang gumagamit ng mga taxi, FX shuttle, at jeepney ay nagtala ng resulta kung saan ay pinangunahan din ng Radyo5 92.3 News FM ang mga ibang sikat na news at radio stations na kabilang sa AM band.

At bilang espesyal na pasasalamat sa mga tagapakinig sa kanilang walang humpay na suporta sa Radyo5, at sa pagsisimula rin ng selebrasyon ng ika-apat na anibersaryo ng istasyon, nagkaroon sila ng isang exciting on-air contest na nagsimula noong Lunes (Nov. 24) kung saan namimigay ang Radyo5 ng mga malalaking papremyo! 

Hanggang sa Linggo (Nov. 30) tatakbo ang contest na ito, kung saan magsasama-sama ang buong puwersa ng mga paboritong Radyo5 anchors, sa pangunguna nina News5 Head Luchi Cruz-Valdes, Atty. Mel Sta. Maria, ‘Idol’ Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, Danton Remoto, Cristy Fermin, at iba pa.

Para gawing mas maging kapanapanabik at kaabang-abang ang anniversary contest na ito, ang bawat programa ng Radyo5 ay may kani-kanilang mga gimik at mechanics na kailangang sundan ng mga tagapakinig upang manalo ng mga special gift packs.  

At sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko, magandang pagkakataon ito para manalo ng mga espesyal na regalo mula sa paboritong istasyon ng bayan. Tumutok lamang sa lahat ng programa ng Radyo5 92.3 News FM araw-araw hanggang Nobyembre 30 para makasali sa kanilang pa-contest!

A CAR CO-INCIDENTAL STUDY

CRISTY FERMIN

DANTON REMOTO

ERWIN TULFO

HEAD LUCHI CRUZ-VALDES

MEL STA

RADYO5

RAFFY TULFO

TAXI SQUAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with