^

Pang Movies

FPJ at Dolphy inalala ng mga naiwan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Festive ang mood sa Sampaguita Gardens, Valencia, Quezon City last Sunday evening, November 16, kung saan ginanap ang Senior Prom Reunion ng lahat ng mga artista simula pa noong dekada ‘50 hanggang sa kasalukuyan.

Sa pamumuno ito ni former President now Manila Mayor Joseph Estrada sa tulong ni Ms. Marichu Maceda at Jesse Ejercito. Presidente pa ng Pilipinas noon si Erap nang planuhin niya na magkaroon ng reunion ang lahat ng mga artista, pero hindi ito nangyari dahil sa mga sunud-sunod na turn of events noon sa kanya. Ilang buwang naghanda si Manay Ichu ng list ng mga artista, kung sinu-sino ang nasa bansa at nasa abroad na at kung sinu-sino na ang mga namayapa na. Nakuha ni Manay Ichu ang mga pictures ng mga artista noong nagsisimula pa sila sa Tropicana at Roper’s Studio, iyong ibang photo studio noon ay wala na, at ang iba ay galing sa files nila sa Sampaguita Pictures.

Hangang-hanga ang mga artistang dumalo na may picture pa sila noong bago pa lamang sila nagsisimula at naka-mount lahat iyon sa isang lugar sa venue at sige sila nang kasi-selfie sa kanilang lumang pictures.

Ilan sa maraming artistang dumalo sina Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Armida Siguion-Reyna, Helen Gamboa, Tito Sotto, Gloria Sevilla, Caridad Sanchez, Eric Quizon, Pilita Corrales, Elizabeth Ramsey, Carmen Soriano, Carmen Patena, Eva Eugenio, Dulce, Eddie Garcia, Mila del Sol, Lilia Dizon, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama at marami pang iba.

Nagbigay ng invocation si Fr. Larry Faraon, opening remarks si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa kanyang speech, humingi ng isang minutong katahimikan si Mayor Erap para sa mga kasama nilang nagsiyao na.  Nagpasalamat siya sa katuparan ng kanyang matagal nang wish na muli silang magkasama-sama at naganap pa ito sa Sampaguita Gardens, isang event place na pinamamahalaan ni Manay Ichu at mga sisters niyang sina Gina de Venecia, Lilibeth Nakpil, at Chona Vera-Perez. Nagkaroon ng ‘class picture’ shoots ang mga artistang dumalo, isang remembrance, na sabi nga ni Manay Ichu, baka hindi na maulit.

Kris atat na atat sa halik ni Dennis

Kinikilig pa rin si Kris Bernal sa pagkukuwento na tuwing may kissing scene sila ni Dennis Trillo sa Hiram na Alaala, pilit niyang itinatago na kinikilig siya pero pagkatapos ng eksena, tumitili siya sa tuwa. Pero before the take, naghahanda raw siya, gusto niya mabango siya kapag hinalikan ni Dennis. Mas comfortable na raw siyang kaeksena si Dennis hindi tulad noong una na naiilang siya.

Paano kung talagang liligawan siya ngayon ni Dennis dahil pareho naman silang single? May appeal daw sa kanya ang mga lalaking quiet, gusto rin niya ang magagandang mata ni Dennis, pero hindi raw naman siya agad bibigay, kahit pa nagbibihis sa harap niya ang actor.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ARMIDA SIGUION-REYNA

CARIDAD SANCHEZ

CARMEN PATENA

CARMEN SORIANO

CHONA VERA-PEREZ

DENNIS TRILLO

MANAY ICHU

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with