^

Pang Movies

Tom muntik nang atakihin sa puso dahil sa sobrang trabaho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nanood kami ng very successful #Fearless The Repeat concert ni Jonalyn Viray sa Music Museum last Friday. Bago ang concert, nakausap namin si Tom Rodriguez na isa sa mga guest ni Jonalyn, with Thor and Jaya. Natanong namin si Tom kung totoong nag-hypertension siya. Thankful daw siya dahil naagapan naman agad ang pagtaas ng blood pressure niya na nakuha raw niya sa over fatigue dahil sa sunud-sunod na trabaho.

Nahingan din namin ng reaction si Tom sa pagka-nominate ni Dennis Trillo as Best Actor sa Asian TV Awards na gaganapin sa Singapore sa December 11, for his performance sa soap nilang My Husband’s Lover. Tuwang-tuwa raw siya for Dennis at wish niyang manalo ito. Gusto man daw niyang mag-join kay Dennis, hindi siya makakaalis dahil sa taping niya ng daily morning game show niyang Don’t Lose The Money.

Sa concert, nanood ang GMA Entertainment TV at GMA Artist Center executives. Nagpasalamat din si Jonalyn kay Carla Abellana at kay Aljur Abrenica and his family at kay Kuya Germs Moreno. Biniro pa niya si Kuya Germs na bakit wala siyang one thousand pesos sa Master Showman na lagi raw siyang binibigyan tuwing nagkikita sila. Lumapit si Kuya Germs at hindi lamang one thousand kundi three thousand pesos ang ibinigay sa kanya.

Marian pinagpapahinga ni Dingdong sa kakatrabaho

Ngayong eight in the morning ang flight to Singapore ng tinaguriang Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa patuloy nilang pre-nuptial pictorial, but most of all, konting pahinga at bonding with Marian’s management company, ang Triple A Entertainment. Makakasama nila sina Mr. Tony Tuviera, Director Mike Tuviera, Rams David at ilan pang staff ng company. Ang pre-nuptial video ay ipalalabas bago ang wedding nila sa December 30, sa Cathedral of the Immaculate Conception in Cubao.

Nakausap ng showbiz press si Ma­rian after ng contract signing niya as the celebrity endorser ng Nailandia Nail Studio and Body Spa na may branches na all over the Philippines. Biniro si Marian kung magkakaroon siya ng sariling franchise branch at isa raw iyon sa bago sa kanya sa 2015, after nilang ikasal ni Dingdong.

Nagbigay ng ilang updates si Marian after the launch at isa rito ang kinikilig niyang pagkukuwento na naiyak siya nang makita niya ang kan­yang wedding gown na gawa ni Dubai-based fa­mous designer na si Michael Cinco na uuwi ng Pilipinas para siyang magbihis sa kanya ng wedding gown. Wala siyang ibang sinabi tungkol sa gown na hindi nakita ng kanyang future husband. Mahal daw ang gown? Si Dingdong daw ang tanungin dahil ito ang nagbayad ng gown, lahat ng gastos sa kasal ay sinagot nito.

Tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ni Marian, sunud-sunod pa ang mga humabol na pictorials sa isang magazine, sa isang endorsement shoot at taping ng Marian. Hindi ba siya napapagod? “Sinabihan na nga ako ni Dong na magpahinga naman ako pag may time, pero sa pag-ibig daw huwag akong magpapahinga.” At napatili pa ang actress.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARTIST CENTER

BEST ACTOR

BINIRO

CARLA ABELLANA

CATHEDRAL OF THE IMMACULATE CONCEPTION

DENNIS TRILLO

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with