^

Pang Movies

Maegan ginawang alipin ng ka-live in!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Masyadong malaking iskandalo na naman ang kinasangkutan ni Maegan Aguilar. Siya ang laman kahit na ng mga newscasts sa telebisyon tungkol sa nangyaring bugbugan nila ng kanyang live-in partner na si Ali Sanchez. Matagal nang nagli-live-in ang dalawa, may anak na sila, at kagaya nga ni Maegan, isang musician din naman si Ali.

Matapos na i-post ng isa niyang kaibigan ang kanyang kalagayan sa ospital, na naka-neck brace pa matapos diumanong bugbugin ng kanyang live-in partner, nagpagaling muna siya at saka humarap sa media.

Doon na inilabas ni Maegan na hiwalay na pala sila ni Ali, at binigyan na siya ng protection order ng Barangay. Ibig sabihin, umabot na sa barangay ang kanilang awayan. Ngayon, sinasabi ni Maegan na dadalhin na niya sa korte ang kaso para makakuha na siya ng permanent protection order laban sa kanyang dating ka-live-in.

Si Maegan mismo ang nagsabi, “naging yaya ako, naging katulong, naging punching bag sa loob ng panahon ng aming pagsasama.” Inamin na rin ni Maegan, “ako ang naghahanapbuhay, ako bumibili pati na ng brief niya”. Pero inamin niyang mahal pa rin niya ang dating ka-live-in, subali’t kailangan na nga noon ng professional help dahil nagiging violent ito kung minsan.

“Hindi ako nagreklamo noon eh. Kinausap kasi ako ng parents niya at humingi ng dispensa. Sinabi rin nila na tutulungan na siya, ikokonsulta siya sa doctor, tapos naghiwalay nga muna kami. Pero nasa kanya pa pala ang isang susi ng condo ko, kaya nakapasok siya roon. Nagkataon din namang bago ang guard noon at hindi alam na bawal na siyang papasukin doon,” dugtong pa ni Maegan.

Sinabi pa ni Maegan na akala raw niya ay ka­kampi niya ang kanyang ka-live-in, lalo na matapos silang palayasin sa bahay ng kanyang tatay na si Freddie Aguilar, at hindi niya akalain na ganyan nga ang mangyayari sa kanya.

Julian mas totoo kesa kay Julia?!

Nag-apologize si Julian Estrada kay Julia Barretto sa pag-amin niyang naging mag-syota sila ng anim na buwan. Pero ipinaliwanag daw niya roon na “sinabi ko lang naman ang totoo”.

Sinabi rin niyang hindi naman totoong may pressure mula sa kanilang mga talent manager na bawiin niya kung ano ang sinabi niya noong press conference ng pelikulang Relaks It’s Just Pag-ibig. Pero bago pa naman iyon ay mukhang common knowledge na ngang nagkaroon sila ng relasyon. Kasi maging kami nga ay narinig na namin iyon bago pa ang press conference. Kung itinanggi iyon ni Julian, baka lumabas pa siyang sinungaling.

Eh ano nga ba naman kung inamin man ni Julian na naging mag-syota sila, tapos na naman iyon nga­yon. Ganyan lang naman talaga ang mga bata. Wala namang seryosong usapan ang mga iyan. Hindi ba mas masakit naman para sa isang babae kung naging mag-syota sila tapos itinanggi ng lalaki? Basta ang isang babae ay itinanggi ng isang lalaki, aba eh malaki siguro ang problema.

vuukle comment

ALI

ALI SANCHEZ

FREDDIE AGUILAR

JULIA BARRETTO

MAEGAN

NAMAN

NIYA

PERO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with