^

Pang Movies

Miguel todo kayod para makaipon ng pangdagdag na investment

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kaaliw ang lintanya ni Miguel Tanfelix na kahit hindi raw siya invited sa kasal ni Ma­rian Rivera sa December 30 ay pupunta pa rin  Ganun kalakas ang tama ni Miguel kay Marian.

Gusto raw niyang makita na ikasal na ang super crush ng buhay niya. Hindi naman siya nagseselos kay Dingdong Dantes na idol din ni Miguel.
Kung meron man daw siyang aktor na gusto niyang sundan ang yapak, walang iba ito kundi si Dingdong.

Natutuwa pa nga si Miguel na ikakasal na ang dalawa. Thankful din ang bagets na mapapangasawa ni Marian si Dingdong dahil sigurado raw sa mabu­ting kamay mapupunta ang kanyang ultimate crush.

Wish naman ni Miguel na matuloy ang sinasabing project para sa kanilang dalawa ni Bianca Umali ng GMA Network. Gusto raw niya sana na magkaroon sila ni Bianca ng project na naka-focus ang istorya sa loveteam nilang dalawa.

Nagpapasalamat ang batang aktor na kahit tapos na ang palabas niyang Niño ay meron pa siyang pinagkakaabalahang Ismol Family kaya sigurado raw masaya ang Kapaskuhan ng kanyang pamilya.

Nasanay na rin siyang ikinukumpara kay Ruru Madrid dahil sila ang pinagtatapat kahit pareho sila ng manager at network.

Healthy competition lang daw ang lahat sa itinutu­ring niyang kuya sa showbiz si Ruru, bukod pa sa talagang mas matanda ito sa kanya.

Samantala, dalawa lang silang magkapatid na lalaki at si Miguel ang mas matanda. Nag-iipon si Miguel at pangarap niyang makatulong sa private ele­mentary school ng kanyang pamilya sa Dasmariñas, Cavite. Administrator ang daddy ni Miguel at teacher naman ang kanyang mommy sa nasabing eskuwelahan. Bale ba ang lola ni Miguel ang nagsimula ng nasabing iskuwelahan. Pangarap ni Miguel na unti-unti silang magkaroon ng high school level hanggang sa marating daw sana hanggang college level din.

Jake tumataba sa rami ng trabaho

Namumutok ang mukha ni Jake Vargas sa katabaan sa palabas nitong Strawberry Lane ng GMA Network. Mula raw kasi nang magkaroon ng Strawberry Lane ay nawalan na siya ng time na mag-gym. Inaabot daw kasi sila ng madaling araw sa taping. Pero okey lang naman kay Jake dahil maganda ang ratings ng kanilang palabas sa Kapuso network.

Nagti-taping din siya para sa Pepito Manaloto at in between sa bakante niyang oras ay naglalagare naman siya sa pag-iikot sa mall para mag-show. Magana pa raw kumain ang alaga ni Kuya German “Germs” Moreno kaya hindi niya namamalayan na nadadagdagan na pala ang timbang niya.

Samantala, nilinaw ni Jake na wala raw kinalaman ang loveteam nila ni Bea Binene sa pagkatsugi ng character ni Joyce Ching sa Strawberry Lane

Kahit noong story conference pa lang daw ay alam na nilang papatayin ang role ni Joyce. Hindi raw niya lalong magagawa na magpatanggal ng katrabaho dahil isang hamak lang daw siyang empleyado ng GMA Network. Basta nagpapasalamat si Jake dahil nabigyan sila ng chance ni Bea na maibalik ang kanilang loveteam. Nagpapasalamat daw siya sa lahat ng bumubuo ng cast lalo na kay Direk Don Michael Perez.

vuukle comment

BEA BINENE

BIANCA UMALI

DAW

DINGDONG DANTES

MIGUEL

RAW

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with