^

Pang Movies

Bea walang inggit kina Elmo at Janine

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Aminado raw si Bea Binene sa magagandang break na ibinibigay ng GMA sa tambalang Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Proven na kasi ang click na tambalan nila nang magsama sila sa successful na Villa Quintana kung saan nabuo ang pagmamahalan nila sa tunay na buhay. Natatandaan ko noon na parang nakalutang sa kalawakan si Janine habang tinititigan si Elmo na tsinitsika ng mga kasamahan namin sa panulat sa mga ilang press visits sa kanilang tapings.

Kuntento naman si Bea sa loveteam nila ng kanyang irog na si Jake Vargas. Magkasama sila sa Strawberry Lane. May mga nagsasabi kasi na mas binibigyan ng priority ng GMA ang tambalang Elmo at Janine. Nagpapasalamat si Bea sa mga concern ng iba pero binibigyan niya ng laya ang GMA sa mga projects na ibinibigay sa kanya.

Mukhang okay naman si Bea sa estado niya. May mga project naman from the past na tinanggihan niya na sa tingin niya ay hindi pa napapanahon na gawin niya. Kaya siguro may mga panahong bakante siya at walang ginagawa, although may mga guesting siya sa iba’t ibang programa ng GMA.

Sa estado naman ng relasyon nila ni Jake Vargas, smooth sailing daw ito after the storm. Matatandaan na noon ay nag-break, nag-away, at nagkabalikan sila. May mga natutunan sila sa mga pinagdaanan nila at alam naman daw ni Jake ang mga limitasyon niya. Alam na rin ni Jake kung anuman ang sanhi ng pagtatalo at pag-aaway nila noon. Meron pa rin naman daw, pero mga petty fights at tampuhan na nauuwi sa madaling pagkakasundo at pang-unawa.

Kaya tuluy-tuloy sila sa masasayang tsikahan sa taping ng Strawberry Lane kasama ang ilang cast ng nasabing programa.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

ELMO

ELMO MAGALONA

JAKE VARGAS

JANINE

JANINE GUTIERREZ

KAYA

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with