^

Pang Movies

Gusto lang ng magandang deal, John Lloyd walang balak layasan ang Kapamilya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tinanggihan nga ni John Lloyd Cruz ang isang serye sa kanyang home network. At ang sinasabing katwiran, ayaw daw muna niyang gumawa ng kahit na ano nang hindi pa naman ayos ang kanilang negosasyon. Natapos na kasi ang kanyang contract, at kung may gagawin nga naman siya nga­yon, lalabas na iyon ay sa interim period, meaning ibang usapan na naman. Hindi na kabilang iyon sa dati, at hindi pa naman kasama sa panibagong kontrata.

Pero dahil sa mga gano­ong usa­pan, may mga guma­gawa ng con­clusions na po­sib­leng umalis na si John Lloyd sa kanyang home net­work at lumipat sa iba. Nagsimula na naman ang mga ispekulasyon na baka naman may mas malaking offer sa kanya.

May narinig naman ka­mi mula sa isang insider na hindi totoong may balak umalis si John Lloyd sa kanyang home network. Hindi naman kasi maikakaila na iyon ang nagpa-angat sa kanya. Hindi rin maikakaila na ang mga tao sa kanyang home network na siyang nangasiwa sa kanyang career, at siya ring pumili maski ng mga gagawin niyang pelikula, ang siyang nakakaalam ng formula sa career niya. Maaaring ang kagayang formula ay hindi naging ok sa iba, pero sa kaso ni John Lloyd, hindi mo masasabing hindi ok ang kanilang ginamit na formula at siguro nga, malaking kalokohan kung iiwanan mo ang lahat ng iyon at lilipat ka sa iba na hindi ka sigurado, kahit na ano’ng laki pa ng offer nila.

Nangyari na iyan sa maraming artista before. Kasabihan din naman iyan ng mga Pinoy, “nag­hangad ng kagitna, isang salop ang nawala”.

Mukhang wala nga yata sa ayos iyong basta mo babaguhin ang isang bagay na ok naman ang takbo, at sa palagay din naman namin, iyang si John Lloyd ay “wise enough” para malaman din iyan.

Bro ni Gerald Anderson nasungkit na rin ng TV5, bibida sa Wattpad

Iyong isa sa mga bida sa Wattpad Presents: Diary ng Hindi Malandi, Slight Lang, ay isa na namang baguhan, si Ken Anderson. Kapatid naman siya ng star sa kabilang network na si Gerald Anderson. Impressive si Gerald ha, at magaling siyang actor. Honestly, ngayon lang namin mapapanood ang kanyang kapatid na si Ken.

Naging usap-usapan nga tuloy, madalas daw na kung may isang sumikat na artista sa ibang network, hindi man makuha ng TV5, tiyak na sa kanila naman ang “kapatid” noon. After all, what are they “kapatid network” for? Noong sumikat iyong si Aljur Abrenica noong araw, nakuha nila iyong si Vin Abrenica. Ngayon naman na sikat si Gerald Anderson, nasa kanila na si Ken.

Pero malalaman natin kung kaya ngang pantayan ni Ken ang kakayahan ng kapatid niyang si Gerald oras na magsimula na iyang five day series na Diary ng Hindi Malandi, Slight Lang. Siya iyong campus idol na naging object of desire ng bidang si Isabelle de Leon. Hindi naman ganoon kabigat ang role na iyon dahil comedy love story nga lamang ang serye, pero makikita natin kung ano ang kanyang ibubuga. Malalaman din natin kung papaano siya tatanggapin ng mga fans. Magiging matinee idol din ba siya kagaya ng kanyang kapatid o hindi?

GERALD ANDERSON

HINDI MALANDI

JOHN LLOYD

KANYANG

NAMAN

SHY

SLIGHT LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with