^

Pang Movies

Bumaba rin ang immune system Gov. Vi bawal munang magtrabaho, iniinda ang impeksyon sa ilong

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kanseladong lahat ang showbiz at political appointments ni Governor Vilma Santos-Recto sa mga susunod na araw. Naimpeksyon ang kanyang ilong kaya bawal ang init, makeup at ibang pang work na magbibigay ng exposure sa kanya sa araw at alikabok.

Tumawag sa amin si Gov. Vi kahapon nang batiin namin ng advance happy birthday upang malaman ang plano niya. Bukas, Nov. 3, ang birthday niya mismo at 61 years old na siya.

“Sa family lang muna ako. Pero magkakaroon din ng salu-salo sa empleyado sa Batangas Capitol. First death anniversary (today, Nov. 2) din ng a­king mother-in-law. Remember, nasa abroad din kami ni Sen. Ralph nang mamatay siya.

“Ito kasing ilong ko, na-infection. Bawal ang makeup. Lagi akong naglalagay ng sun block. Para tuloy ako si Rudolph the red noise reindeer! But ayon sa aking EENT, wala namang problema sa nose ko. Pero pretty pa rin naman daw! Ha! Ha! Ha!

“Naramdaman ko na ito nu’ng nasa London ako. Nag-steroids ako eh biglang dumami lalo. Mali pala ‘yon. Eh I was told by the doctor to take medicines. Hindi naman ako puwede sa ganyan dahil sa ulcers ko.

“Dapat nga ay may guesting ako sa ASAP. May gagawin din akong TV shoot for commercial. Kaso, bawal lagyan ng makeup ang mukha ko dahil baka lumala ‘yung nasa nose ko. So pack up muna ang showbiz commitments ko pati na ‘yung iba kong activities.

“Kaya less stress muna. Baka sinisingil ako! He! He! He! Bumaba ang immune system. But as of now, okey naman ang health ko,” pahayag sa amin ni Gov. Vi.

Matapos maospital dahil sa ulcer niya, ito namang impeksyon sa ilong ang iniinda ng  gobernadora. Pero nangako naman siya na once maging mabuting-mabuti na ang lagay at hitsura, ‘yung mga kaibigan sa press na gusto siyang makita at makausap ay magaganap in due time.

“Ikaw na bahala ang magsabi sa kanila, Jun. I hope they understand. Miss ko na rin naman silang lahat,” bilin sa amin ni Governor Vi.

Next month kasi, lalong magiging hectic ang schedule ni Gov. Vi dahil gaganapin ang Ala Eh! Festival sa unang linggo ng Disyembre.

Caravan ng Shake… dinumog

Successful ang launching ng Shake, Rattle & Roll XV Caravan last Saturday na ginanap sa Market! Market! Ayon kay Direk Manny Valera na supervising producer ng movie, nagtilian at nagpalakpakan ang mga taong dumalo. Nag-unahan sila na magkaroon ng selfie sa mga stars ng horror franchise mula sa Regal Entertainment, Inc.

Unang lumabas sa stage si John Spainhour na nasa episode na Flight 666. Kumuha siya ng limang girls at naglaban-laban sila sa pagsagot ng trivia tungkol kay John at ang winner ay nakahalik at nakayakap sa kanya, huh!

Sumunod na performer si Lovi Poe na nasa main cast din ng Flight 666. Bumaba rin siya sa stage kaya nataranta ang sikyu ng mall na agad pumalibot sa aktres. Kahit napigilang dumugin ng tao, masaya pa ring kumanta si Lovi habang umiikot sa audience.

Nag-perform din ang teen singer-actor na si Khalil Ramos na patok sa bagets crowd. Mas patok nga lang sa tao ang mag-asawang Mel-Ason na Melai at Jason Francisco na kumanta ng Say Something. Kumuwela sila dahil kahit seryoso ang kanta ay nagpapatawa sila sa tao, huh! Si Gee Canlas ang huling kumanta sa cast ng Flight 666.

Last performer si Erich Gonza­les na bida sa Ahas episode. Tinili­an din siya ng fans nang bumaba sa stage at game na nakipag-picture taking sa mga utaw.

Sa ending ng show, lumabas muli ang lahat ng cast bago namigay ng candies sa audience. Umani ng papuri ang teasers ng SRR XV lalo na ‘yung ginamit na airplane sa episode dahil totoong-totoo ang dating!

Nakisaya rin sa caravan sina Roselle Monteverde, directors na sina Jun Lana at Perci Intalan.

AKO

ALA EH

BATANGAS CAPITOL

BUMABA

DIN

DIREK MANNY VALERA

EH I

ERICH GONZA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with