Boses ni Leni Santos pamilyar pa rin sa mga nakarinig
Natuwa ang mga reporter nang makita nila kahapon sa presscon ng More Than Words ng GMA-7 ang nagbabalik-showbiz na si Leni Santos.
Normal na tumaba si Leni dahil nagkaroon na siya ng asawa at anak pero hindi halos nagbago ang kanyang face, pati ang boses niya na pamilyar na pamilyar sa radio listeners.
Bukod sa pag-arte, radio voice talent din si Leni noong araw bago siya nag-migrate sa Las Vegas.
Si Jeffrey Salvador ang napangasawa ni Leni pero hiwalay na sila. Kung hindi ako nagkakamali, nag-artista rin noon si Jeffrey na hindi surprising dahil mula siya sa clan ng mga Salvador.
Ang More Than Words ang comeback television project ni Leni at reunion project nila ng kanyang dating ka-loveteam na si Rey Abellana.
Parang bumalik sa dekada ’80 ang pakiramdam ng mga veteran reporter nang makaharap nila kahapon sina Leni at Rey. Feeling blast from the past ang drama nila sa presscon kahapon ng More Than Words.
Direk Andoy nabiktima ng pagiging sweet nina Elmo at Janine
Directed by Andoy Ranay ang More Than Words at kilig na kilig siya sa love team nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.
In love na in love sa isa’t isa sina Elmo at Janine kaya normal na nahawa sa good vibes nila ang kanilang co-workers.
Kabilang si Andoy sa mga biktima ng sweetness ng mag-dyowa kaya nasabi niya na mararamdaman ng viewers ng More Than Words ang nag-uumapaw na pagmamahalan nina Elmo at Janine.
Death threat ni Jim Paredes sinupalpal ni Nancy Binay
Agree ako sa sinabi ni Senator Nancy Binay na hindi dapat maging sensitive ang mga tao na active sa social media.
May kinalaman ang reaksyon ni Mama Nancy sa kaso ng singer na si Jim Paredes na ipina-blotter sa PNP ang mhin na diumano’y nagbanta sa kanyang buhay.
Hiningan si Mama Nancy ng reaksyon ng mga reporter na nakausap niya noong Lunes tungkol sa ginawa ni Jim kaya nag-dialogue siya ng “I’ve been bashed. I’ve been threatened on social media. If you participate sa mundo na ‘yon, I think dapat hindi ka sensitive, matibay ang loob mo.”
Correct na correct ang katwiran ni Mama Nancy na naging biktima rin noon ng bashing pero never na nagreklamo sa PNP. Simple lang naman ’yan, kung ayaw mo na mabatikos, huwag kang mambatikos. You reap what you sow.
Ang reaksyon ni Mama Nancy ang hiningi ng mga reporter dahil may kinalaman ang kanyang tatay na si Vice-President Jojo Binay sa “death threat” na natanggap ni Jim.
Ipinagtanggol si Vice-President Jojo ng isang mhin na hindi nagustuhan ang mga pagbatikos ni Jim sa fadir ni Mama Nancy.
Nag-tweet ang mhin na ipapa-salvage niya ang singer kaya dinala nito sa PNP ang pagbabanta na natanggap.
Natatandaan ko na durog na durog ang pagkatao ni Nancy noong panahon ng kampanya dahil binabatikos ang desisyon niya na kumandidato bilang senador.
Imbes na patulan ang kanyang mga basher, dinedma ni Mama Nancy ang mga panglalait at effective ang ginawa niya dahil nag-win siya.
’Yun nga lang, dinedma rin ni Mama Nancy ang OPM niyang victory at thanksgiving party para sa entertainment press na malaki ang naitulong sa tagumpay ng kanyang candidacy.
- Latest