Christian inampon na ng Indonesia
Nagkuwento nga si Christian Bautista sa kanyang magandang experience sa pag-perform sa 23rd anniversary ng MNCTV Network in Indonesia last October 20.
Si Christian nga ang nag-iisang Pinoy na nag-perform sa naturang event ng pinakamalaking media group sa buong Southeast Asia. Kasama nga niyang nag-perform ang almost 30 performers na mula sa bansang Indonesia and Malaysia.
“I was overwhelmed that I got invited to such a prestigious event in MNCTV.
“The fact alone they trusted me to sing Dangdut (isang Indonesian traditional song), ay para akong inampon ng Indonesia. These dangdut songs are rich in tradition and almost sacred to them,” sey pa niya.
Inawit nga ni Christian ang songs na Hingga Akhir Waktu (Till The End of Time) with Syahrini and a traditional dangdut dance song called Pokok e Joged with Perssik and Ayu Ting Ting.
Nagulat din si Christian noong sorpresahin siya ng kanyang mga Indonesian fans dahil birthday niya noong nandoon siya last October 19.
Nakatanggap siya ng maraming regalo at binigyan pa siya ng special birthday cake.
Kasalukuyang busy si Christian sa teleserye na Strawberry Lane at sa musical variety show na Sunday All Stars.
After 5 years Rafael nakahanap na ng bagong dyodyowain
Very open na nga si Rafael Rosell na pag-usapan ang kanyang lovelife.
Matagal din kasi siyang hindi umibig. Inabot nga siya ng higit na limang taon bago naka-move on sa huli niyang karelasyon.
Pero ngayon ay masaya niyang sine-share ang kanyang kaligayahan sa pakikipagrelasyon niya kay Olivia Medina.
“I wanna keep it as a never-ending date. I’ve become better at taking care of my partner this time around.
“I’ve realized that I was single for like four, almost five years and during that process, I found myself. I’ve realized what I wanted in life. And now, when we started dating, I’m slowly learning that taking care of yourself is easy.”
Dahil sa bago niyang inaalagaan na relasyon, nagkaroon na ng malaking responsibilidad si Rafael. Kailangan i-adjust na niya sa kanyang relasyon ang mga dating ginagawa niya noong loveless pa siya.
“There are some adjustment when it comes to certain traits, I guess.
“I mean, I can’t just take off surfing now. Tapos kailangang sabihin na, ‘Magse-surfing muna ako, I’ll see you in a bit.’ I can’t just disappear like I used to do.
“Before I’d go surfing, nobody would know where I was. Ngayon kailangan magpaalam na ako.
“It’s really okay because alam mong may maghihintay sa ‘yo at may magsasabing mag-ingat ako sa biyahe or sa surfing ko. It’s nice to know that someone is concern with what you do every day.”
Kaya tamang-tama lang kay Rafael ang bago niyang teleserye na Second Chances dahil akma ito sa buhay pag-ibig niya ngayon.
Kasama niya sa Second Chances sina Camille Prats, Luis Alandy, Raymart Santiago at Jennylyn Mercado.
‘Batman’ gaganap na Steve Jobs
Ang Oscar winner na si Christian Bale ang gaganap sa bagong bio-pic ng Apple co-founder na si Steve Jobs.
Ang magsusulat ng screenplay nito ay si Aaron Sorkin na nanalo ng Academy Award para sa pelikulang The Social Network na tungkol naman sa co-founder ng Facebook na si Mark Zuckerberg.
“We needed the best actor on the board in a certain age range and that’s Chris Bale. He didn’t have to audition. He has more words to say in this movie than most people have in three movies combined.
“There isn’t a scene or a frame that he’s not in. So it’s an extremely difficult part and he is going to crush it,” sey pa ni Sorkin.
Base nga ang script sa 2011 biography titled Steve Jobs by Walter Isaacson.
May nauna nang pelikulang lumabas tungkol sa buhay ni Steve Jobs last year titled Jobs na pinagbidahan ni Ashton Kutcher. Pero hindi masyadong maganda ang mga naging reviews nito.
Sinisiguro ni Sorkin na magiging award-winning role para kay Bale ang pagganap nito sa role as Steve Jobs.
Breakout role nga ni Bale ay ang pagbida niya sa pelikulang American Psycho in 2000. Siya rin ang napiling gumanap bilang Batman sa Batman Begins, The Dark Knight, at The Dark Knight Rises.
Noong 2011 ay nanalo si Bale ng Oscar best supporting actor para sa role niya bilang nakakatandang kapatid ng isang palaos ng boksingero sa pelikulang The Fighter na pinagbidahan ni Mark Wahlberg.
Nakakuha ulit siya ng Oscar nomination, this time as best actor, para sa 2013 drama na American Hustler.
- Latest