Pero ‘di dapat seryosohin Annabelle at Ruffa may giyera na naman
Ayokong seryosohin ang bagong away ni Annabelle Rama at ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez dahil siguradong magkakasundo rin sila.
Nasanay na ako sa away-bati ng mag-ina dahil sa bandang huli, silang dalawa pa rin ang magkakampi.
Normal na kay Annabelle na pagalitan sa publiko ang kanyang unica hija pero sa totoo lang, concerned lang siya sa kinabukasan ni Ruffa. In fairness kay Bisaya, protective mother ito at maraming beses na niyang napatunayan na hindi siya nagkamali sa pagpoprotekta sa kanyang mga anak.
Medyo shocking sa iba ang bagong away ng mag-ina na sumiklab kahapon dahil sinagot ni Ruffa sa social media ang mga patutsada ni Annabelle. What else is new? Pupusta ako na magkakabati rin sila at magkakapatawaran dahil never na natiis ni Annabelle ang mga anak niya.
Ruffa nag-emote kay Sarah
Timing sa airing kagabi ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang away nina Bisaya at Ruffa.
Hindi gimik para sa kanilang reality show ang latest feud ng mag-ina. Nagkataon lang na sumakto sa airing ng kanilang reality show ang sagutan nila sa Twitter.
Sa mga hindi updated, nag-walk out si Ruffa sa birthday party ni Annabelle noong Sabado dahil hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ng kanyang ina na hindi boto kay Jordan Mouyal.
The who si Jordan? Siya ang French guy na masugid na manliligaw ni Ruffa pero iba ang belief ni Bisaya dahil kumbinsido ito na may relasyon na ang dalawa
Hindi type ni Bisaya si Jordan para kay Ruffa. Tinawag niya na P.G. for patay gutom ang mhin na ikinairita ng kanyang anak.
P.G. ang tawag ni Annabelle sa mga manliligaw ni Ruffa na sa tingin niya eh hindi makakapagbigay ng magandang kinabukasan sa pamilya.
Ang sey ni Bisaya, palaging pinapanood ni Jordan ang It Takes Gutz to be a Gutierrez kaya tiyak na alam ng suitor ni Ruffa ang mga pang-iinsulto na ginagawa niya.
Malamang na may mga camera ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa party ni Annabelle kaya hintayin natin na ipalabas sa reality show ng kanyang pamilya ang iringan nila ni Ruffa na nakahanap ng kakampi kay Sarah Lahbati.
Nag-emote si Ruffa na tanging si Sarah ang kumausap sa kanya nang mangyari ang tarayan nila ng nanay niya.
German fiancé ng pinatay na transgender pang-best actor ang drama sa NAIA!
Nag-iiyak at nahimatay kuno kahapon sa NAIA 1 si Marc Sueselbeck, ang German fiancé ng pinatay na transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Kiyeme-kiyemeng nahimatay si Sueselbeck dahil hinarang siya sa airport ng mga tauhan ng Bureau of Immigration and Deportation. Hindi pinayagan na makaalis ng bansa ang undesirable alien dahil sa charge sheet na ibinigay sa kanya ng BID na may kinalaman sa reklamo ng pag-oober da bakod niya sa Camp Aguinaldo at panunulak sa isang sundalong Pinoy noong Miyerkules.
Pang-best actor ang drama ni Sueselbeck na kailangang mag-report ngayong umaga sa legal department ng BID dahil sa reklamo laban sa kanya.
Lesson sa ibang mga maepal na dayuhan ang nangyari kay Sueselbeck na malakas ang loob na siraan ang mga Pilipino at ating pamahalaan. Nasaan na ngayon ang tapang niya? Hmp!
- Latest