^

Pang Movies

Mara Lopez suportado ang LGBT community, PAWS, at Narcotics Anonymous

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kabilang ang anak ni Maria Isabel Lopez na si Mara Lopez na sumusuporta sa mga kaanak at kaibigan nang pinasalang na transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Natagpuang patay last October 11 si Laude sa isang motel sa Olongapo City at ang inakusahan nga ay si US Marine Joseph Scott Pemberton.

Hindi miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) community si Mara pero sumusuporta siya sa mga ito dahil sa hindi makataong pagtrato kay Laude. Isa kasing kaso ito ng hate crime towards gay people.

“The point is she was tortured, she was killed. The only one who has a right to take away life is God. Even ants ‘di ko kayang patayin.

“Ang kaya ko lang patayin talaga, lamok, and even then I feel guilty.

“I’m vegan kasi, and an animal activist. Eh kung galit ako sa pumapatay ng hayop, ano pa sa pumapatay ng tao ‘di ba?” sey pa ni Mara sa isang TV interview.

Very vocal si Mara sa kanyang mga sinusuportahan na mga grupo. Kung alam niyang nasa tamang panig siya, wala siyang kinakatakutan na kahit sino.

“I’m not afraid to give people a piece of my mind. Sometimes it can be risky. Some people, to protect me, will say, ‘Don’t be too vocal, don’t be too aggressive.’

“But no, if I believe in something, I’m going to have to be vocal about it, I’m going to have to fight for it.”

Sa edad na 12 ay sumama na si Mara sa kanyang ina na nagprotesta kasama ang Gabriela laban sa bayolenteng pagtrato sa mga babae.

Noong nakaraang taon naman ay kabilang si Mara sa mga sumama sa malaking rally laban sa pork barrel scam.

Isa rin siyang environmentalist, member ng PAWS at sumusuporta sa Narcotics Anonymous.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay naipo-promote ni Mara ang healthy eating at pati na ang mga advocacies na tinutulungan niya.

“I can use Instagram in a positive way to promote causes like this. I want people to be aware of what’s going on.

“I am affected about what happened to Jennifer Laude. Although we live in an evil world and it’s inevitable, I’m not going to sit around and do nothing in my house. I’m probably just one person, but my voice matters,” pagtatapos pa ni Mara Lopez.

Renee Zellweger nagmukhang matanda

Marami ang nagulat sa ibang hitsura na ng Oscar winner na si Renee Zellweger.

Umattend ang Hollywood actress sa 2014 Elle Women in Hollywood party sa Beverly Hills at marami ang hindi nakakilala sa kanya.

Ilang taon ding umiwas sa mga big event si Renee at noong bigla siyang nagpakita, halos walang nakakilala sa kanya sa red carpet.

Balita raw na dumaan sa plastic surgery ang 45-year-old actress na nakilala dahil sa breakthrough role niya sa pelikulang Bridget Jones’s Diary.

Hinala ng mga nasa event na baka binalak ni Renee na ibahin na ang kanyang mukha para sadyang hindi siya makilala.

Nasa naturang event si Renee dahil kabilang siya sa magbibigay parangal sa kanyang kaibigan na si Gugu Mbatha-Raw na nakasama niya habang ginagawa niya ang pelikulang The Whole Truth.

Ang iba pang pinarangalan sa event na ito ng Elle ay sina Elizabeth Banks, Annette Bening, Jessica Lange, Brie Larson, Tina Fey, Jennifer Garner, and Zoe Saldana.

ANNETTE BENING

BEVERLY HILLS

BRIDGET JONES

BRIE LARSON

ELIZABETH BANKS

RENEE

RENEE ZELLWEGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with