^

Pang Movies

Juday balik-trabaho agad matapos ma-hospital

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakapag-shooting na uli ng TVC si Judy Ann Santos matapos siyang ma-hospital dahil sa sunud-sunod na trabaho, kaya hindi na siya naka-attend ng Sineng Pambansa Horror plus Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).  Ipinaalam ni FDCP Executive Director Teddy Granados na may partnership sa film festival ang GMA Network at SM Cinemas, kaya ipalalabas ang apat na kalahok na pelikula, ang T’yanak nina Peque Gallaga at Lore Reyes, Hukluban ni Gil Portes, Sigaw sa Hatinggabi ni Romy Suzara at Bacao ni Edgardo “Boy” Vinarao sa tig-dalawang theatres sa lahat ng SM Cinemas nationwide simula sa October 29 to November 4, in time for the Halloween.

Masaya ang presscon dahil mga horror film ang ipalalabas pero naging comedian ang mga director sa pagkukuwento ng mga karanasan nila sa pagsu-shooting ng kanilang indie films.  Aminado sina Direk Peque at Lore at si Direk Romy na kailangan silang sumabay sa uso ngayon, kung hindi mawawala na sila dahil maraming mga young filmmakers na hindi nagsasawang gumawa ng mga indie films.

Maliit lamang ang subsidy na ibinigay ng FDCP, two million pesos each sa tatlo, at one million pesos lamang sa Bacao para sa post production dahil nai-shoot na ni Direk Boy Vinarao ang suspense-thriller main stream movie, na may producers, bago nila ito isinama sa Horror Festival kaya biro nga ang Bacao daw ang plus sa title na Horror Film Festival plus.

Pinaka-star-studded ang T’yanak dahil kuwento ni Direk Lore, kinailangan daw nilang isama sa cast na binubuo nina Judy Ann, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, at Sid Lucero sina Ricky Davao, Alessandra de Rossi at Paolo Contis kahit daw sinabi nilang wala silang ibabayad na talent fee. Libre lamang ang food sa shooting. Pero ang isa pang plus factor ng T’yanak parehong nag-appear ang mga original na Tiyanak leads, sina Janice de Belen at Lotlot de Leon.

Kuwento naman ni Direk Romy, bago niya ginawa ang Sigaw sa Hatinggabi, lagi niyang napapanaginipan sina late Fernando Poe Jr at Rudy Fernandez kaya pinuntahan niya si FPJ sa La Loma Cemetery at Rudy sa The Heritage, kinusap niya ang mga ito at baka makakuha siya ng sagot doon, pero wala raw.  Story ng isang battered wife na hindi alam kung pinatay o nag-suicide ang asawa nito.  Kailangan nila ang isang spirit quester, pero hindi na niya ikinuwento kung nakakuha siya ng spirit quester.

 Muntik namang malunod si Krista Miller sa isang eksenang nasa dagat siya dahil nadala siya ng water current.  Si Direk Gil ang natakot na ulitin ang eksena dahil baka hindi nila matapos pero very professional daw si Krista, nagpahinga lamang siya at itinuloy din ang shooting.

Magkakaroon ng gala premiere ang apat na pelikula, sa Lunes, October 20 ang Bacao sa SM Megamall; Hukluban sa October 21 sa SM North EDSA, T’yanak sa October 22 sa SM Megamall at Sigaw sa Hatinggabi sa October 23 sa SM North EDSA. Dadaluhan ang premiere nights ng bawat isang film director, cast and crew at bukas ito sa public for free, on a first-come-first-serve basis, due to limited seating capacity.

 

DAHIL

DIREK BOY VINARAO

DIREK LORE

DIREK PEQUE

DIREK ROMY

EXECUTIVE DIRECTOR TEDDY GRANADOS

FERNANDO POE JR

HATINGGABI

SIGAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with