Anne nanibago sa sobrang pakikipaghalikan
“Awkward” and “most embarrassing moment of my life” ang deskripsyon ni Anne Curtis sa kissing scene niya with Hollywood actor Alexander Dreymon sa first international film niyang Blood Ransom.
Sa presscon held last Thursday night at the Discovery Suites, ikinuwento ni Anne kung paano niya nasabi iyon.
Ayon sa aktres, dito sa ‘Pinas ay napakarami na niyang nagawang sexy scenes and went as far as she could when it comes to kissing and love scenes.
Pero iba raw pala ang kissing scene sa States. They had to do it the “French” way. As in tongue to tongue talaga.
“Here in the Philippines, you don’t necessarily do French kiss. So, when we were shooting that scene, I did it the way I know how we do it. Just like that.
“And Direk Francis (dela Torre) kept on telling me, ‘oh, Anne, I need you to be more passionate.’ So this went on for several takes. And in my mind, I was thinking, ‘what am I doing wrong? May mali ba akong ginagawa?
“So, paulit-ulit and he’s like ‘okay, we’re gonna be a little more passionate, maybe longer.’ So, when he said longer, I really just put my lips and just kissed longer.
“And then finally, Drey (nickname ni Alexander Dreymon) just said, ‘oh, I think he just wants us to French kiss.’ And I said, ‘oh, okay!’ So, I did it!” kwento ni Anne.
Hindi na raw siya nag-inarte pa at ginawa agad ang “French kiss” na kailangan sa eksena.
“Normal naman kasi sa kanila, ‘di ba? Na ganu’n ang kissing scene, kahit ang comedy sa kanila, ganu’n, eh. Eh tayo hindi pa naman ganu’n,” say pa ng aktres sabay-balik kay Alexander and said, “so, you’re my first.”
Kaya mapapanood daw sa pelikula ang makatotohanang laplapan at maiinit na love scenes nila ng Holywood actor.
“I don’t know how it looks like yet, pero sabi naman ni Direk Francis, it was tastefully done, even the love scene,” she said.
Samantala, kabogera ng taon ang peg ni Anne dahil rave na rave ang netizens sa ipinamalas niyang husay at galing sa trailer ng Blood Ransom.
Sa trailer pa lang ay international star na international star ang beauty ni Anne at puwedeng-puwede talagang mapagkamalang Holywood star kung hindi mo siya kilala.
Sa movie ay ginagampanan ni Anne ang papel na Crystal, ang love interest ng kinatatakutang si Roman. Magkakaroon siya ng affair kay Jeremiah (Dreymon), ang taong uutusan ni Roman para kidnapin siya.
Filmed entirely in US, Blood Ransom is showing on October 29 dito sa ‘Pinas at October 31 naman sa Amerika, kasama rin sa movie sina Samuel Caleb Hunt at Jamie Harris.
Jennylyn wala pang oras sa balikan nila ni Dennis
Finally ay tapos na tapos na ang album ni Jennylyn Mercado sa GMA Records na may titulong Never Alone at out na sa mga record bars. Naglalaman ito ng 11 tracks gaya ng Abot Langit, Basta Nandito Ka, Kaya Ko Na (Secondary love theme of the drama series, My Destiny), Never Alone, We Don’t Belong, Sana, Rhodora X them song Sa Hatinggabi, Till My Heartaches End, Hatinggabi, Never Gonna Let You Go (duet with Janno Gibbs) at After All (duet with Dennis Trillo).
Kaya naman pala nali-link sina Jen at Dennis ay may duet sila sa album at minsan ay nagkita sila sa gym na nakunan pa raw.
Ayon kay Jen, nagkataon lang daw na nagkita sila sa gym dahil iisa ang trainor nila at once lang naman daw nangyari ‘yun.
Biniro siya ng press na bagay sa kanila ang title ng duet song nila na After All. May posibilidad ba na magkabalikan sila after all?
“Wala pa akong oras, eh,” say niya sabay-tawa. “Hindi ko po alam. Sa ngayon po, iba po ‘yung atensyon ko. Sa iba po naka-focus, sa sarili ko, sa trabaho ko, sa pamilya ko,” she said.
- Latest