^

Pang Movies

Dingdong inuuna ang mga kailangan ni Marian, suit sa kasal nila ‘di pa naiisip

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

As of presstime, hindi pa nakakapagpagawa si Dingdong Dantes ng suit na gagamitin niya sa wedding day nila ni Marian Rivera.

Ang kanyang bride-to-be ang top priority ni Dingdong kaya inuuna muna nito ang mga pangangailangan ni Marian sa araw ng kanilang kasal. Ganyan ka-in love si Dingdong sa babae na pinili niya na makasama sa habambuhay.

Direk Chito nagbiro sa mga ‘kalaban’ ni Vhong

Totoo na Vongfong ang international code name ng bagong bagyo na pumasok kagabi sa Philippine area of responsibility.

Mula sa Vongfong, naging Ompong ang name ng bagyo dahil ‘yon ang pinili ng PAGASA.

Nagbibiro lamang ang direktor na si Chito Roño sa dialogue nito na “Oh ayan na. Magtago na ang mga kontrabida” nang malaman niya na kapangalan ng kanyang talent na si Vhong Navarro ang bagyo na mararanasan natin. No need na sabihin ko pa ang pangalan ng mga kontrabida na tinutukoy ni Chito. Given na given na ha?

Sagutan nina Annabelle at Ruffa patok sa E!

Maligayang-maligaya ang Gutierrez family dahil sa mga positive feedback na natanggap nila tungkol sa pilot telecast ng It Takes Gutz to be a Gutierrez Season 2 noong Linggo.

Take note, mula sa international scene at hindi lamang sa local scene ang mga positive review na nakarating sa mga Gutierrez.

Ang sey ni Jun Lalin, nag-trending noong Linggo ang reality show at pinag-usapan sa social media.

Sobrang amused, naaliw, at naka-relate ang viewers ng E! sa mga nagaganap sa buhay ng kontrobersyal na pamilya.

Lumabas uli sa Season 2 ng It Takes Gutz ang pagiging natural comedienne ni Annabelle Rama. Hindi lamang ang katarayan niya ang napanood dahil nakita rin ang kanyang natural na ugali bilang asawa, ina, lola, at human being. Human being daw o!

Nagpista ang viewers ng It Takes Gutz sa mga sagutan ni Bisaya at ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

At least, na-prove ng manonood na totoong-totoo at hindi scripted ang reality show ng mga Gutierrez na mapapanood tuwing Linggo, 9 p.m. sa E! (Channel 57 sa Skycable, Channel 25 sa Cignal Cable TV at Channel 33 sa Cable Link Channel).

Baha sa Metro Manila normal na lang araw-araw

Nagdusa na naman kahapon ang mga kababayan natin sa Metro Manila dahil kaun­ting buhos lang ng ulan, baha na agad sa maraming lugar.

Biglang nagkaroon ng mini-river sa Mother Ignacia Avenue dahil sa sandaling pagbuhos ng ulan. I’m sure, nahirapan na makauwi ang mga nagpunta kahapon sa ABS-CBN at dumalo sa presscon ng bagong programa ng television network.

Kagabi ang grand presscon ng Yagit ng GMA 7 at ng Moron 5.2 ng Viva Films. Ang huwag silang ma-stranded sa trapik at baha ang dasal ng mga reporter na invited sa mga presscon ng bagong TV show ng Kapuso Network at sequel ng blockbuster movie ng Viva Films.

Sa totoo lang, hindi ko na pinoproblema ang pagbuhos ng ulan at ang baha na nagpapahirap sa mga Pilipino. Ako na ang nag-a-adjust sa mga kalamidad dahil sinisiguro ko na nakauwi na ako ng bahay bago pa umulan para hindi ako maging biktima ng overacting na traffic situation sa Metro Manila. Para-paraan lang ‘yan para hindi ako mairita.

ANNABELLE RAMA

CABLE LINK CHANNEL

CHITO RO

CIGNAL CABLE

IT TAKES GUTZ

LINGGO

METRO MANILA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with