^

Pang Movies

Derek ayaw ipagkatiwala sa ex-wife ang perang para sa anak, inilalaban na ilagay sa trust fund

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi nagkamali ang duda ko na walang mangyayari sa ami­cable settlement sa pagitan ni Derek Ramsay at ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

Malakas kasi ang impact ng sinabi ni Derek sa presscon ng The Amazing Race Philippines Season 2 na “We’re taking it a step forward. The thing is pabagu-bago lagi ang (claims) nila. Hindi ko na maintindihan, palagi na lang nagbabago. Sa first affidavit, emotional, and financial. In their reply affidavit, I’m a rapist. Now, it’s physical. Hindi ko na maintindihan.

“I want a right to be a father. I want a right to see my son. I definitely want to shoulder his education because that for me is the best thing to give back -- to secure his future with best education. That’s what my parents did to me.

“They sent me to the best school that they can afford. I want to give him the best education. The trust fund. Bakit kailangan sila ang may hawak ng pera kung talagang para sa bata ang interest nila? Akin, ang demand ko lang ay sa akin ang education. ‘Yon lang ang demand ko, and that I have a right to see my son.”

All over the papers ang mga pahayag ni Derek na tiyak na nabasa ng kampo ni Jolly at hindi nila ikinatuwa.

Reading between the lines, nagpapahiwatig si Derek na magbibigay siya ng pera sa kanyang anak sa pamamagitan ng trust fund at hindi ito mahahawakan ng ina ng bagets.

At dahil malabo nang magkaroon ng amicable settlement, malamang na tuloy na tuloy ang legal battle nina Derek at Jolly.

Wala sa karakter ni Jolly na basta na lamang susuko at susunod sa gustong mangyari ni Derek na hindi naman naniniwala na capable ang kanilang anak na gumawa ng sulat na nakakasakit ng damdamin niya bilang ama.

Marian tinawanan lang nang uriratin ni Joey tungkol sa ‘shower’

Balik-Eat Bulaga kahapon si Marian Rivera pagkatapos ng ilang araw na pagrampa niya sa Hong Kong at sa Disneyland.

Nagpunta si Marian sa Hong Kong para sa first bridal shower para sa kanya na siguradong ma­susundan pa ng maraming bridal showers bago maganap ang altar date nila ni Dingdong Dantes sa December 30.

Napa-smile si Marian sa ta­nong ni Papa Joey de Leon na hindi niya agad nasagot. May logic naman ang question ni Papa Joey na bakit nauuna ang shower na dapat na ginagawa pagkatapos ng kasal?

Pabiro lang ang naughty question ni Papa Joey kaya hindi napigilan ni Marian ang matawa.

Ryzza Mae batang version ni Kris?!

Goodbye TV na pala sa November 28 ang Be Careful with My Heart ng ABS-CBN habang na­ma­mayagpag naman sa ratings ang kalaban na prog­rama nito, ang The Ryzza Mae Show ni Ryzza Mae Dizon.

Isang executive ng TAPE Inc. na itatago natin sa name na Malou Choa-Fagar ang nagkuwento na happy sila dahil pataas nang pataas ang ratings ng morning talk show ni Ryzza Mae.

Si Ryzza Mae na nga ang youngest Queen of Talk na hindi dapat ikasama ng loob ng fans ni Kris Aquino dahil Queen of All Media ang title ng kanilang idolo.

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

BALIK-EAT BULAGA

BE CAREFUL

DEREK

DEREK RAMSAY

HONG KONG

PAPA JOEY

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with