^

Pang Movies

Cristine ayaw na inuurirat ang lovelife, pagpapa-sexy hindi na rin iiwan

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Feeling ni Cristine Reyes, hindi siya sineseryoso ng industriya dahil sexy roles ang kanyang ginagampanan. Kaya biglang-bigla, nag-decide siyang iwan na ang pagpapa-sexy. Sa isang episode kamakailan ng Kris TV sinagot niya ang tanong ni Kris Aquino kung bakit gusto na niyang iwan ang pagpapa-sexy.

“Actually, hindi ko naman talagang iiwan as in hindi na ako talaga tatanggap ng ganung klaseng role. Ayoko lang mag-all out. Hindi ko naman basta-basta maiiwan ang sexy roles, kasi marami ang nagsasabing sexy ang figure ko. Pero pipiliin kong mabuti ang role ko. Kailangan, may sense, kailangan, may impact.”

Sabi pa ni Cristine kay Kris, una niyang teleserye sa Siyete, ang Darna (with Angel Locsin) nagpa-sexy na siya sa role niya. Sa pelikula, sexy role din ang napunta sa kanya sa Ate, kasama si Ara Mina.

Tahimik ang love life ni Cristine sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend. “Mas gusto ko na hindi taga-showbiz ‘yung BF ko para hindi na ako tinatanong tungkol sa relasyon namin, ‘yun ang gusto ko, may privacy talaga.”

Jake namomroblema sa bagong serye

Patuloy ang lipatan ng mga artista sa kabilang istasyon. ‘Yung mga taga-ABS-CBN ay lumilipat sa GMA7. ‘Yung iba naman na galing Dos o Siyete ay sa Singko lumilipat. Pero sino sa GMA7 at sa ABS-CBN ang mas marunong mag-alaga ng talent?

Reyna na ng Siyete noon si Angel Locsin pero bakit pa siya lumipat sa Dos? Ganundin si Iza Calzado na umaarangkada na rin sa Dos ngayon. Si Agot Isidro, gusto na rin daw magbalik sa dating network.

Sa Dos naging successful ang career ni Jake Cuenca. Walang humpay ang teleserye niya, hindi gaya sa Siyete noon.  Pahinga lang muna siya sa Ikaw Lamang sa book 2 nito. Pero ngayong October, nakatakda raw umpisahan ni Jake ang bagong teleserye na ikinagulat at pinuproblema nila ng kanyang manager na si Neil de Guia dahil nakatakda nang umalis sa susunod na buwan ang actor para mag-aral sa ibang bansa.

Antoinette may ‘alam’ sa pagpapakasal ni Dingdong

Sinugod si Antoinette Taus ng press ng tanong tungkol sa planong pagpapakasal ng dating BF na si Dingdong Dantes kay Marian Rivera sa December 30.

“I am happy for them, dapat nga ikinasal sila noon pa. I wish them the best. Nasabi naman sa akin ‘yan ni Dingdong noon pa na magpapakasal siya,” pahayag ni Antoinette. Ibig sabihin, all these years, may communication pa sila ng dating syota?  Paulit-ulit ding sinabi ng comebacking actress na wala siyang anak kay Dingdong. “Nagtataka nga ako kung bakit hindi mamatay-matay ang balitang yan, e. Hindi naman totoo!” habol niya.   

                                                                               

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANTOINETTE TAUS

ARA MINA

CRISTINE

CRISTINE REYES

PERO

SIYETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with