Helen hindi na makapaghintay sa paglabas ng anak ni Ciara
Guess who is most happy and excited sa pagbubuntis ni Ciara Sotto? Well, her Mom, Helen Gamboa.
Sa presscon ng Hari ng Tondo, where Ciara is cast in a supporting role, she announced na four months pregnant na siya.
Helen, in a talk we had with her, nabanggit niyang naiinip na siyang magka-apo kay Ciara at sa asawa nitong si Jojo Oconer.
Bunso si Ciara sa apat na anak nina Helen at Senator Tito Sotto. All are married and have given them grandchildren, except for Ciara nga.
‘‘Kaya, I’m happy na I’m finally buntis. Bukod, of course, sa may movie ako, ito ngang Hari ng Tondo,’’ said Ciara.
Hari ng Tondo, which serves as the grand movie comeback ni Direk Carlitos Siguion-Reyna, is topbilled by Robert Arevalo, who plays the title role, Direk Carlitos’ niece, Cris Villongco and Direk Carlitos’ and Bibeth Orteza’s son, Rafa Siguion-Reyna.
Nawili yata sa pagtuturo ng filmmaking sa isang university in Singapore, it has been quite a while nang mapanood ang huling commercial film na idinirek ni Direk Carlitos, Azucena, na pinagbidahan nina Glydel Mercado, Alessandra de Rossi, at Dante Rivero.
Hari ng Tondo, which Star Cinema will release, is a production of Reyna Films, Inc. at Central Digital Laboratory.
In the Cinemalaya Film Festival isa ang Hari ng Tondo sa mga pinuri, nanalo pang best actor si Robert at si Cris naman ng best supporting actress sa awards ceremony na ginanap para rito.
Bukod kay Ciara, tampok din sa Hari ng Tondo, sina Rez Cortez, Lorenz Martinez, Liza Lorena, Lui Manansala, Aiza Seguerra, Carlos Canlas, Mark Tayag, Ciara Sotto, Gian Magdangal, Raul Montesa, Gino Ramirez, at Mengie Cobarrubias. In special roles are Eric Quizon at Ali Sotto.
Speaking of Ali, ‘di raw pumasok sa isip niya ang muling paglabas sa isang movie. Until Bibeth Orteza, who wrote the story and screenplay of the movie offered her the role as Eric’s wife.
Game, kaagad daw ang sagot niya.
These days, Ali keeps herself busy with her radio show and of course, as wife to her foreigner-husband.
Retired na raw from the job ang kanyang mister at may sarili na itong mga negosyo.
John at Isabel dumagdag sa listahan ng mga artistang ikakasal
Wow, Salve A., should we add to our list ang newly engaged couple na sina John Prats at Isabel Oli sa mga showbiz celebrities na ikakasal this year or early next year?
As it is, our list include sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Joross Gamboa, and her non-showbiz girlfriend na si Katz Saga and Bianca Gonzales and her cager boyfriend, JC Intal all getting married ngayong taon.
In February naman, ang kasal nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero and Cheska Litton at Tyke Kalaw.
Nag-propose si John last Wednesday night kay Isabel sa isang jampacked na flash mob na kaagad sumagot ng yes ang dalaga.
As is common knowledge, si Camille Prats na nakababatang kapatid ni John ang nagpakilala kina John at Isabel sa isa’t isa.
Tulad ni Camille, dating contract talent ng GMA7 si Isabel, na these days, ay napapanood na sa mga show ng ABS-CBN, kung saan under contract naman si John.
Tanong nga lang pala, Salve A. How true na balak ni John na lumipat bilang talent sa GMA?
- Latest