^

Pang Movies

Kaso ng nanay ni Cherry Pie bumabagal ang usad, pambubugbog kay Vhong mas tinututukan ng DOJ

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matahimik na nadala sa huling hantungan ang nanay ni Cherry Pie Picache. Nangyari naman ang hinihingi nilang privacy para sa burol ng kanyang ina. Hindi pinayagan ang media na makialam sa kanilang pribadong pagdadalamhati. Ayaw kasi nila nang kinukunan pa pati ng TV iyong burol ng kanilang ina, although wine-welcome naman nila ang media at nakikipag-usap sila nang maayos, ayaw lang nila na para bang makikita pa ng lahat ang kanilang pagdadalamhati. Prerogative naman nila iyon.

Sabi nga ng isang TV reporter na kaibigan namin, ok naman daw ang lahat, ang ayaw lang nila ay iyong may camera pang nakatutok sa burol na para bang pati iyon nawawalan na ng privacy.

Pero iyon na nga, kahit na naihatid na sa huling hantungan ang nanay ni Cherry Pie, nakakalaya pa rin ang mga suspect. Wala pa ring diretsahang nakapagtuturo sa kanila, bagama’t may mga lead nang nakuha ang pulisya at sinasabing sinusubaybayan na nila ang mga suspect. Sana nga lang, sa lalong madaling panahon ay mahuli na ang mga criminal na iyan. Masyadong marami ang mga walang kuwentang kaso na pinag-uubusan ng panahon ng mga may kapangyarihan. Dapat iyang mga ganyang karumal-dumal na krimen ang inuuna nila.

Tingnan mo halimbawa ang kaso ng Nanay ni Cherry Pie. Pulis lang ang nagsasalita. Eh iyong kaso ni Vhong Navarro, justice secretary pa mismo ang nag-imbestiga at akala mo, siya talagang pro­secutor sa kaso. Kung iisipin mo, ano’ng kaso ba ang mas nangangailangan ng hustisya? Hindi ba nakikita natin agad na iba ang priorities? Halimbawa, sabi nga nila, kung si Cherry Pie ay hindi isang dramatic actress, halimbawa mayroon din siyang daily noontime show. Hindi kaya mas mamadaliin nila ang imbestigasyon sa kasong iyan?

Aljur hindi pinag-usapan kahit sumamang rumampa sa kapatid

Kawawa rin ang kalagayan ngayon ni Aljur Abrenica. Isa siya sa mga sumama sa isang male fashion show noong isang gabi na sponsored ng isang magazine. Kasama pa niya iyong kapatid niya. Pero lahat ng mga modelo halos ay nabanggit sa mga news stories, ni hindi nabanggit ang kanyang pangalan. Maski sa social media, hindi nababanggit ang pangalan niya. Kung noong araw na may career pa siya, aba eh malaking istorya na iyang nakasama siya sa fashion show na iyan. Ngayon iyong mga star na kung sabihin noong araw ay mas maliliit kaysa sa kanya, iyon ang pinag-uusapan. Masakit mang isipin, parang masyado siyang maagang nalaos. One wrong move, iyan ang kinabagsakan ng kanyang career at ng kanyang ambisyon.

Naaawa kami, kasi nabola siya eh. Napaniwala siya sa mali. Ngayon siguro na-realize na rin niya ang mga pagkakamaling iyon. Wala siyang nakukuha ngayon kung ‘di maliliit na out of town shows. Nagkaroon nga siya ng show sa abroad, hindi rin naman malaki iyon. Ano ngayon ang nagawang tulong ng mga nagsulsol sa kanya na kalabanin ang kanyang home network?

Inalis na rin siya sa isang film project, kahit na nakapag-shoot na siya roon. Ano nga ba ang pupuntahan pa ng kanyang career?

Aircon at ilaw sa loob ng sinehan pinapatay, pelikulang ipinalalabas nilalangaw

Natawa kami sa isang kilala naming portera sa sinehan. Tinanong namin siya, “nakakailang Bayang Magiliw na kayo”. Ang sagot sa amin “wala. Pinatay na nga muna ang aircon at ilaw sa loob eh”. Ganyan talaga basta walang nanonood ng pelikula. Kawawa ang sinehan. Lugi.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANO

BAYANG MAGILIW

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

NILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with