^

Pang Movies

Pinagbubuntis ni Ciara makapit, hindi nakunan kahit itinulak-tulak at inihagis-hagis!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Unforgettable ang experience ni Ciara Sotto habang ginagawa ang indie film na Hari ng Tondo (Where I am King) na matatandaang entry sa nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, Director’s Showcase.

Paano naman, hindi niya alam na buntis na siya nung time na ‘yun eh ang role niya ay battered wife na inuumbag ng asawa na ginagampanan ni Gian Magdangal.

Kwento nga niya sa presscon kahapon, mabuti na lang at mahigpit ang kapit ng baby niya kaya wala namang naging epekto sa pagbubuntis niya ang mga eksenang ginawa niya.

Say nga niya, hinahagis-hagis siya ni Gian, itinutulak-tulak sa wall eh ang laking tao pa naman ng aktor.

“Du’n sa movie, si Gian, tinotoo niya talaga (ang pananakit). Hindi niya kayang acting lang, so natatamaan niya si Cris (Villonco), natatamaan niya ako, nasisiko niya ako.

 “As in ‘yung scenes na kailangang rough, talagang rough talaga, mark talaga rito, ganyan.

“Pero nakakatulong din naman sa eksena,” kwento ni Ciara.

Ayon pa sa aktres, sobrang thankful siya na kinuha siya ni Bibeth Orteza (one of the producers) para sa nasabing role.

“Super grateful na tita Bibeth talked to me sa Eat Bulaga, and sabi niya, ‘there’s a role for Hari ng Todo for you, you wanna do it?’ Sabi niya, ‘tito Carlitos (Siguion-Reyna) will direct.’ Sabi ko, ‘yeah, sure!” I didn’t even know kung ano ‘yung story, wala.”

Na-excite na raw siya agad nang malaman niya na si Carlitos ang direktor dahil favorite raw niya ang mga nagawa nitong films partikular na ang Hihintayin Kita sa Langit.

But at the same time ay medyo natakot daw siya dahil naririnig din niya ang tsismis na strikto ito at perfectionist.

 “So, medyo kinabahan ako nung una. Pero si­guro, after day 1, I was so relieved. He’s scaring pa rin, metikuloso pa rin talaga, pero may care aside from being a perfectionist,” kwento ni Ciara.

Pero natuwa naman daw siya nang pinuri-puri ni Carlitos ang acting niya.

Sa ngayon ay four months nang buntis si Ciara sa panganay nila ng asawang si Jojo Oconer at sa March daw ang due date niya.

Samantala, ang Hari ng Tondo ay idi-distribute for commercial run ng Star Cinema kaya mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide starting on October 1.

Pinagbibidahan ni Robert Arevalo ang pelikula kung saan ay nanalo rin siya bilang Best Actor sa Ci­nemalaya Awards Night habang ang co-star niyang si Cris Villonco ang hi­nirang na Best Actress.

James at Nadine, ang bilis magbida

Ang bilis nagkaroon ng project nina Nadine Lustre at James Reid sa ABS-CBN. Wala pa yatang isang buwan buhat nang pumirma sila ng kontrata pero ngayon ay mapapanood na agad sila sa Wansapanataym starting this Saturday, Sept. 27.

This time, isang Wattpad series naman ang itatampok na storya ng Wansapantaym, ang My App Boyfie na sinulat ni Noreen Capili.

The story is about Anika (gagampanan ni Nadine), isang dalagang hindi pa nararanasang magkaroon ng boyfriend. Ngunit magbabago ang lahat para sa kanya nang mabuhay ang “dream boy” niyang si Jowa (gagampanan ni James) na nilikha niya gamit ang isang application sa kanyang mahiwagang tablet computer.

Bukod sa My App Boyfie, isinulat rin ng best-selling author na si Noreen ang mga librong Parang Kayo Pero Hindi at Buti pa ang Roma May Bagong Papa. Isa rin siya sa mga writer ng hit Dreamscape teleseryes tulad ng Walang Hanggan, Mirabella, My Binondo Girl, Katorse, at Aryan.

AWARDS NIGHT

CARLITOS

CIARA

HARI

MY APP BOYFIE

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with